26.

1.4K 44 2
                                    

Fate.

"Good Evening Mr. Vergara, Sorry kung nakaka disturbo ako sa inyo—"

"Tama ka, Nakaka—- Aray!" daing nito nang siniko ko siya sa tagiliran niya. Buti nga!

"Anong rason sa pagpunta mo ngayon Inspector?" pormal na saad ko sa kaibigan ko.

"Ahm.. " Binigyan niya ako ng makahulugang tingin. Alam ko kung anong ibig nitong sabihin. Confidential.

"May gagawin papala ako sa loob, sige Inspector, Dominique, papasok na ako, Fate sumunod ka agad." Saad ni ate bago umalis.

Nagtangu-an lang kami kay Ate.

Binigyan ko ng masamang tingin si Dominique. Hindi ba niya alam ang salitang Privacy?

"What? Sige mag usap lang kayo." Saad pa nito habang naka pamulsa.

Tsk. Asal bata talaga....

" Kung ayaw mong umalis. Kami nalang ang aalis dito." Saad ko dito.

"Hoy teka. Baka nakakalimutan mong bahay ko 'to Fate! Hoy Inspector." pigil niya sa amin.

Akmang naglalakad na kami papuntang pool side. Bahala siya!

Kunting kunti nalang talaga ang pasensiya ko sa kumag na ito.

"Oo.. na. Sige na. Mag usap na kayo dito. Huwag na kayong lumayo pa, dito na kayo sa Veranda, Baka saan ka pa, dadalhin ng taong ito." Saad nito na ang sama makatingin kay Inspector. Loko loko talaga.

"Aalis na. Bilis!" singhal ko dito.

"Fine. Hoy Inspector. Let me remind you, nasa lugar kita at lahat ng nakikita mo ay akin. AKIN." Saad niya dito habang nakatingin sa akin, habang sinasabi niya ang huling salita. AKIN.

Ano bang ibig niyang sabihin?

"Copy Mr. Vergara" sagot ni Inspector Velasco.

At walang sabing umalis na ito. Sinundan ko ito ng tingin.

"Ehem!" Pukaw ni Ryan habang may nakaklokong ngiti.

"Ano na naman?" Kunot noo'ng tanong ko dito.

"Aminin mo nga sa akin Fate, nililigawan ka ba ng amo mong strikto?" saad nito, sabay upo sa isang mamahaling upuan na gawa pa raw sa isang mamahaling kahoy.

"Huwag mong pansinin ang lalaking yun, ganoon lang talaga yun. Parang ewan mag isip!" sagot ko dito, at umupo sa kaharap nitong upuan.

"Pero iba ang nakikita ko Cortes, parang may 'something' kayo eh... " puno pa nito at tinaas pa ang isa nitong kilay.

"Hoy Velasco, gusto mong lagyan kita ng 'Something' sa ulo mo?! Chismoso muna ngayon ah!" singhal ko dito.

"Haist! Kahit kailan ka talaga Fate, ang manhid mo. Buti nalang talaga naka move on na ako sayo." Sabay tawa pa nito.

"Ano ba talagang pinunta mo rito Inspector?!" sinamaan ko siya ng tingin.

"Hay! Seryoso sa buhay. Oh, itong mga gagamitin mo para sa assignment mo sa Sunday, set na lahat yan, nandiyan narin ang kailangan mong files ni Eugene Perez. Dapat magpasalamat ka sa akin Fate, pinaghirapan ko talaga yan. Para sayo." Sabay nguso pa nito at abot ng isang itim na Bag.

"Sos. Trabaho mo naman talaga to diba? Pero salamat na rin." Saad ko dito. Parang hindi na ako makapaghintay na kalkalin ang laman nito.

"Kung hindi lang talaga kita mahal Fate. Naku!" puno na naman nito.

"Itulog mo nalang yan Velasco at gabi na." sabay tawa ko dito.

Matagal ko ng kaibigan si Ryan, since Highschool. At sa katunayan, dahil sa akin nag pulis siya. Gusto niya raw kasi akong tulungan. Ewan ko ba... alam kung may gusto siya sa akin at alam niyang kaibigan lang talaga ang tingin ko sakanya. Mas mabuti narin yun, tinuturing ko narin kasi siyang kapatid. Naniniwala kasi kami sa kasabihang 'Love ends but friendship is Forever'.

Pero pag ang puso muna talaga ang tumibok at pumili, katulad ng kanta... wala ka ng magagawa kundi sundin ito...

Teka?!! Ano ba itong pinagsasabi ko. Makatulog na nga lang.

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon