36.

1.2K 31 2
                                    


Pinili ni Dom na sa isang sulok siya maupo ng restaurant para hindi agad kita ng taong dadaan. Naka suot pa ito ng plain white t-shirt at summer shorts and black sunglasses at itim na sumbrero para hindi agad siya makilala nito.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya nang matanaw niyang papasok sina Fate at Inspector Velasco at papunta ito sa Front desk. Napanganga ito sa suot ng babae, kakaiba ang aura nito. Ngayon lang niya nakitang naka pambabaeng suot ito. Hapit na hapit sa katawan nito ang suot na royal blue dress na hindi umabot sa tuhod. Dagdag apeal pa nito ang maiksing buhok.

''Damn it! She's so hot of what she's wearing right now! Tsk.'' Pabulong na sabi niya sa sarili. Sabay gulo nito sa sariling buhok.

Lalong nag init ang ulo niya nang umakbay si Inspector Velasco dito at ngumiti lang si Fate!

"This is bullshit! Ganito ba sila magtrabaho?! Ito ba ang plano nila?! Parang gustong-gusto naman ng Velasco na yan ah! Ito naman si Fate hindi manlang na konsensiyang may boyfriend siya! Hay!" Napasabunot nalang siya sa ulo niya. Mabilis niya itong tinext!

Nag type na siya ng message:

'Hey wifey! I don't want to see other guy touched you'

E-se send na sana niya pero bigla siyang napa isip. Parang obvious naman yata. Erase. erase.

Nag type ulit siya.

'Hey Wifey! Huwag kang magkakamaling maghanap ng iba diyan!'

Napa isip ito. Hay! Ano ka ba naman Dominique! He erase it again.

'Hey Wifey. I miss you already. Be home if your done. Take care.'

He sighed and send it.

Habang sina Fate and Ryan sa Front Desk ay pinapaniwala ang Receptionist na maka-relasyon silang dalawa dahil yun ang isa sa plano. Nginitian nila ang empleyado at mabilis na inakbayan ni Ryan si Fate.

Masayang bati ang bungad sa kanila ng Receptionist. Binigyan niya ito ng matamis na ngiti. Pasimpleng sinuri ang paligid nakita niyang may nakaharap na CCTV sa direction nila at sa may nakita din siyang isa pagpasok nila sa lobby.

"Hi Miss. My reservation kami under Mr. Nimis one of the active members here. Please do check." Saad ni Ryan.

Agad namang sinunod ang utos nito ng receptionist.

"Yes sir. Can i have 1 valid ID please?" Saad ng isang receptionist. Binigay ni Ryan ang isang pekeng ID. Kailangang hindi nila malaman na pulis sila dahil ayon sa impormasyon nalaman nila isa ito pag aari ni Eugene Perez.

Biglang nag vibrate ang phone niya. Napangiti siya ng mabasa niyang kay Dominique galing ang text at parang sasabog ang dibdib niya sa kilig ng mabasa nito ang text.

'Hey Wifey. I miss you already. Be home if your done. Take care.'

Mag rereply na sana siya ng magsalita ang receptionist.

"Mr. Ocampo okay na po. Please proceed to Room 512. Here's your ID. Please enjoy your stay. Thank you." Masayang saad nito. At may isang room attendant na nag assist sa kanila. Habang naghihintay sila sa pagbukas ng elevator ay may nahagip sa mata niya iyang naka sumbrerong na naka shades lalaki na naka upo sa may bandang gilid ng restaurant habang nakayuko ito at umiinom ng juice. Napalingo siya. 'Hindi naman siguro si Dominique yun! Hay! Fate mag focus ka nga!'

Agad silang pumasok sa elevator.

Samantalang sa kabilang banda, nakahinga ng maluwag si Dominique ng makita niyang pumasok na si Fate sa elevator.

"Muntik na ako doon ah!"

Agad niyang tinawagan ang mga tao niya para mag update.

"Hello po sir?" Agad na sagot ng masa kabilang linya.

"Any updates?" Mabilis na saad niya dito.

"Nasa room 512 po sila naka check-in---"

"What do you mean isang room lang sila?!! shit!" Singhal na saad niya dito.

"Opo sir ayun sa source po namin. Pero magkatabi naman po ang room ninyu---"

"Kahit na! Sige bye. Tawagan mo nalang ako kung may ibang update ka na!"

"Copy sir"

Agad na niyang pinutol ang linya at patakbo papuntang elevator.

"Lintik na plano na yan! Huwag na huwag kang magkakamali Velasco! Kahit pulis kay ipapakulong talaga kita!" Halos masira na ang elevator sa pag pindot niya.

-----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon