41.

1.2K 35 10
                                    

"Do-Dominique?" gulat na saad niya at lumapit dito. Nakasimangot lang ito habang nakatingin sakanya. "Bakit nandito ka?" tanong niya dito.

"Para sunduin kita." simpleng saad nito habang sinusuri siya nito mula ulo hanggang paa, He felt relieved ng makitang wala itong galos o pasa.

Para namang nahiya si Fate sa suot agad tinakpan ang maseselang bahagi.

"Sa akin nahihiya ka, pero kanina halos lumuwa na ang mga mata ng mga tao sa paligid mo wala ka manlang reaction! Kung alam kulang na ganyan pala ang gagaw--"

"Teka?! Paano mo nalaman na nandito kami?! At diba sinabi ko na sayong hindi ka pwedeng umalis ng bahay! NAGSISINUNGALING KA NA BA SA AKIN NGAYON DOMINIQUE VERGARA!" singhal niya dito.

Bigla namang natauhan ang lalaki, dahil lumaki ang boses ng girlfriend niya. Napalunok siya!

"There you go again! Tinataasan mo ako ng boses. Halika na nga." saad nito sabay hawak nito sa kamay.

"Hoy! Vergara ang tanong ko ang sagutin mo! kung ayaw mong... at tika.. tika! bakit naka check-in ka dito?!" naguguluhang tanong pa nito ng biglang nilabas ni Dominique ang key card at binuksan ang pintuan na katabi pa ng kwarto na kinuha nila Inspector Velasco. Sinusundan ba siya nito.

"DOMINIQUE!!!!" Sighal niya dito.

"Fine! Okay, may naka pagsabi sa akin na nadito ka, may kasama kang ibang lalaki. sa selos ko pumunta ako dito malay ko bang ito pala ang sinasabi mong assignment niyo! So... okay na?!" pagrarason nito. Dinadasal nito na sana makalusot at mapaniwala ang girlfriend.

Tinitingnan ni Fate ang lalaking kaharap para obserbahan kung nagsasabi ba ito ng totoo. Huminga siya ng malalim.

"Pagnalaman kung nagsisinungaling ka at pinasusundan mo ako. Pag-uuntugin ko yang mga ulo niyo ng ka kasabwat mo! Ano?" banta niya dito. Napalunok ang lalaki sa sinabi nito.

"Oo na nga! Why are you sooo bad to me Fate! Parati ka nalang ganyan!" may halong takot at tampong saad ni Dominique dito. Natawa lang ang babae at mas lumapit dito at nagtitigan sila. "Because you are mine Dominique Vergara." Nagulat siya sa sinabi ng babae. Mas lalong nang init ang paligid ng maramdaman niyang halos magkadikit na ang katawan nila at tanging manipis lang na damit ang suot nito. Two-piece lang. Napalunok siya.

"Huwag mo akong tingnan ng ganyan Dominique! Kung ayaw mong bigwasan kita diyan!" Pananakot ng babae dito.

"Hay! Bakit ka ba ganyan sa akin! Ibang klaseng babae ka talaga!" Pagmamaktol nito.

Nginisihan lang niya ito. Walang sabing hinalikan niya ito sa labi.
Dahil sa ginawa nito ay napangiti nalang si Dominique.

Ibang klase nga talaga ang babaeng mahal niya.

-----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon