34.

1.3K 34 1
                                    


DOMINIQUE.

Inabangan ko talaga ang paglabas ni Fate sa kwarto nito. Ewan ko ba simula ng minahal ko siya ay na natatakot na ako para sa kaligtasan niya. Paranoid lang yata ako. Masisisi niyo ba ako? Eh! Police ang girlfriend ko! Shit. ang sarap pakinggan na AKIN na siya.

Ngayon lang ako nagtino sa babae, takot kulang sakanya. Hindi ako under okay... It's like that, Ahmmm. I love her that much at gusto kung siya ang makasama ko habang buhay. Yun.

Pero sa tuwing maiisip ko kung gaano ka delikado ang trabaho niya. God! Kung pwede lang sanang pahintuin siya at dumito nalang sa bahay. Pero ang selfish ko naman kung ganoon at alam kung may reasons siya kung bakit yan ang trabahong pinili niya.

Kaya kahit nakakatawa mang pakinggan. Yung personal bodyguard ko na police na girlfriend ko ay may nakabantay ding private body guards kung saan man siya pumunta. Nakakatawa diba? Malaki ang tiwala ko sakanya but knowing her style wala siyang pakialam sa sarili niya basta magawa lang niya ang trabaho niya. I don't want to lost her at hindi mangyayari yun! kahit sa panaginip ko ayoko ko. Change topic. Psh.

Naka alis na siya kanina pa sa bahay, pero naiwan parin akong nakatayo dito sa harap ng pintuan.
biglang nag ring ang phone ko.

"Hello?" sagot ko dito.

"Sir, nandito na po kami sa nasabing resort. May mga tao narin po tayong nasa loob na para magpanggap na empleyado. Naka reserve narin po kami ng isang room malapit po sa area na target nila." saad ng leader ng private agents na, ni recommend ni Kent.

"Okay. Huwag kang magpahalata diyan. Bantayan mong maigi ang girlfriend ko. Update me everything. Okay. I'm on my way there." saad ko dito.

"Copy sir."

Agad akong naligo at nagbihis. Hindi ako matatahimik kung nasa bahay lang ako, hindi ko pakikialaman ang diskarte nila yun din ang usapan namin ng Chief Diaz, ang gusto kulang ma siguro din ang kaligtasan ni Fate.

Wala pang 15 minutes ay tapos na ako at mabilis na umalis ng bahay.Hindi na ako nagsama ng bodyguards at driver, dahil alam kung mag rereport ito kay Fate. Mahirap na. Mabuti nalang at wala pang tao sa bahay at tanging guard lang sa gate ang nakakita sa akin, nagtaka pa ito. Pero sinabi kung may bibilhin lang importante sa labas at babalik agad. At huwag ng ipaalam kay Fate kung ayaw niyang masaktan. Hay!

Nagulat ako ng biglang mag ring ang phone ko. Si FATE!

Mabilis akong nag preno at sinagot ito.

"Bo-boss!" masiglang bati ko dito.

"San ka?" tanong nito.

Patay. Dapat hindi niya malaman.

"Sa bahay. Ba-bakit?" tugon ko dito.

"Siguraduhin mulang Dominique na hindi ka nagsisinungaling. Diyan kalang sa bahay! Hindi ka aalis--"

"Pero, may bibilhin sana ako." kabadong sagot ko dito. Ewan ko ba, Parang naiisip kulang ang nanlilisik niyang mata pag nagagalit ay awtomatikong napapa amo ako. Shit! Dapat hindi siya ganyan sa akin no! Dapat hindi ako matatakot sakanya. Tama Dominique!

"Diba sinabi kung huwag kang aalis? Ipabili mo nalang yan sa driver o sa ibang katulong diyan."

"FINE. You're the boss." saad ko nalang.

"Good. Sige bye." sabay putol ng linya.

I sighed.

Ngayon lang to Fate, ayoko lang tumunganga sa bahay at mag abang ng balita. Ayokong magsinungaling sayo pero ayoko rin naman magalit ka. Tsk.

Mabilis kung binuhay ang makina at pinapatuloy ang pagmamaneho pa punta sa nasabing resort.

-----

Wrong NumberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon