Chapter 3: Poem

37 1 0
                                    

Nagising ako around 6 AM. Tinignan ko ang phone ko and may messages si Yuhan.

Yuhan: Good morning cutie :)
Yuhan: How's your sleep?
Yuhan: Kain ka breakfast ah..

Napangiti naman ako sa nabasa ko. Hindi ko inaasahan na mahuhulog ako sa taong hindi ko pa nakikita. Hindi ko alam kung ba't ako nagkakaganito. Sabi ko na hindi ko nais mag-boyfriend pero ngayon may boyfriend na ako.

Nag-reply ako.

Me: Good morning too.
Me: Ayos naman ang tulog ko. Kagigising ko lang. Ikaw, kumusta?
Me: Yes... kakain ako mayamaya. Ikaw din, kain na.

Wala pa siyang response. Baka kumakain na.

I was about to go out of my room nang biglang nag-ring and phone ko. Nang tinignan ko ay tawag mula kay Janine. Ang aga-aga tumatawag 'to. Sinagot ko na nga.

“Hello. Napatawag ka.”

“Good morning, Zen! Wala lang gusto ko agad makipagkwentuhan. Chika naman diyan, bes!”

Napataas-kilay ako. Ano naman ikwekwento ko sa isang 'to?

“Ano naman ang ikwekwento ko?”

“Kanino ka na-fall?” Natawa siya. “Kay Yuhan ba?”

“Pinagsasabi mo?”

“Nakita ko kasi 'yong post mo na falling in love is not my intention, it was my heart's decision. Yie. Finally nakahanap ka na.”

I chuckled.

“Oh Ba’t ka natawa, Zen?”

“Wala lang and yeah, it's Yuhan.”

Tumili naman si Janine. “Kyah! Kayo na ba? Kailan ang meet up?”

Mas excited pa ata 'to kaysa sa akin.

“Yes. Kami na. Meet up? Hindi ko alam at mukhang matatagalan pa bago mangyari 'yan.”

“Hmm... Let's see. Nga pala, nakita mo na ang mukha niya? Ano FB name niya?”

“Hindi pa. Hindi ko alam. Paano kapag hindi magustuhan ni Yuhan ang itsura ko?”

“Ano ka ba! Maganda ka. You have the beauty and also the brain. Huwag mo na nga ibaba 'yang sarili mo. Maganda ka, okay?”

I sighed. “Fine. Maganda na.”

“That's it! Ang daming nagsasabing maganda ka tapos hindi ka naniniwala?”

I sighed again. “Ah basta. Anyway, ba't tumawag ka e ang aga-aga.”

“Ayon nga kasi. Nakita ko 'yong post mo kani-kanina lang.”

“Okay.”

“Oh Siya. Kain ka na. Bye-bye!” sabi niya at agad ibinaba ang tawag. Hindi man lang ako pinagsalita.

Inilapag ko ang phone ko sa lamesa saka lumabas ng aking silid. Nagtungo ako sa kusina at nadatnan ko ang aking ina na kasalukuyang umiinom ng tubig.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon