Special Chapter

0 0 0
                                    

A little girl was crying and looking for his brother.

“Kuya! Where are you?”

They are at the beach but the girl lost sight of her brother.

Naglalakad-lakad ang batang babae hanggang sa may makita siyang nagkukumpulang tao. Dala ng kuryusidad ay sumingit siya sa mga tao para makita kung ano ang pinapalibutan nila. Nagulat siya nang makita niya ang kuya niya na may kasamang batang lalaki na tila nagbalik ang ulirat.

“Kuya!” sigaw ng batang babae at patakbong lumapit sa kuya niya at yumakap.

“Pasensiya ading, wen? Pinanawan ka tadtay, ado kanu gamin maludlunod nga ubing.”

“Bad! You left me there! What if I was kidnapped?”

“Sorry, ading. Nataranta ang manong.”

Tumingin ang babae sa batang lalaki. Kumaway siya rito. “Hello, ikaw ‘yong muntik malunod? Kumusta?”

Ngumiti ang batang lalaki. “Fine.”

“Anak, anak, salamat sa Lord, ligtas ka,” sabi ng ginang na kararating sa lugar.

Tinitignan ng batang babae ang batang lalaki, gano’n din ang batang lalaki. Nagkakatitigan sila at ngumingiti sa isa’t isa. Hanggang sa nagsalita ang batang lalaki at sinabing, “Sana magkita ulit tayo kapag malalaki na tayo.”

Ngumiti ang batang babae. “Magkikita tayo. Let’s promise to meet each other again. Pinky?”

“Okay.”

They curled their pinky fingers together and smiled.

“Ading, intan.”

Nagpaalam ang batang babae sa batang lalaki at nagpakarga sa kuya niya.

“Kuya, what was the boy’s name?”

“Yuyu.”

“Pangalan talaga ‘yan?”

“Hindi mo ba siya tinanong kanina?”

“Hindi.”

A few days later, nakauwi na ang magkapatid sa bahay nila sa kanilang probinsiya.

“Anya araramidem, ading?”

“Writing his name.”

“Why?”

“Gusto ko e. Isama mo ulit ako next time kapag pumunta ka sa beach, kuya!”

“Let’s see.”

Ilang beses na sumama ang batang babae sa kuya niya kapag pupunta Ito sa beach pero hindi na niya muling nakita ang batang lalaki kaya sa mga sumunod ay hindi na siya sumama pa.

“Baka kapag malaki na nga kami saka kami magkikita ulit,” sabi ng batang babae sa isipan niya.

Sa kabilang dako naman ay hindi na ulit nag-beach pa ang batang lalaki at ang kaniyang pamilya. Nanghihinayang ang batang lalaki na hindi man lang niya natanong ang pangalan ng batang babae.

___

I was in Zenaida’s room sa bahay nila. Naisipan ko lang pumunta rito. Si ate Rosalia muna ang nagbabantay sa kaniya sa ospital. Ang dami naming memories dito sa kwarto niya.

Nahagip ng mata ko ang isang picture frame. Parang ngayon ko lang ito mapansin ah. Ang cute niya sa picture. Nakalugay ang kaniyang buhok at masaya ang ngiti niya. Dinampot ko ang larawan at may napansin akong pangalan sa may baba, right side. Binasa ko ito nang mahina, “Yuyu.” Nickname niya ba ito? Kung ganoon ay pareho kami. Ngunit hindi ko kailaman narinig na banggitin ng kahit sino sa pamilya niya ito. Ibinalik ko ang picture frame sa pwesto nito at lumabas na sa kwarto.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon