Chapter 12: Painful Experience

17 0 0
                                    

“Ano 'yong sinasabi mo, kuya? May follow up check up ako? Saan?” sunod-sunod na tanong ko kay kuya Zelo.

“Psychiatrist,” tipid niyang sagot.

“Po? Bakit?”

“Hindi mo ba naaalala?”

“Ang alin? Okay naman ako ah, kuya. Okay na ako.”

“Physically, oo pwede pa. Mentally and emotionally, hindi ka pa ayos.”

Napabuntong-hininga ako. Tama naman siya kaya imbes na magsalita pa ako ng kung ano-ano ay nag-ayos na ako ng aking sarili. Every month pala ang follow up check up ko sa psychiatrist.

“Kumusta ka?” tanong ni Dr. Rimas, ang attending psychiatrist ko.

“Ayos naman po.”

“Napapanaginipan mo pa rin ba ang nangyari?”

“Na ano po?”

“Noong 11 years old ka.”

“Po? Wala po akong maalala e. May nangyari po kasi sa akin this month.”

“Anong nangyari?”

“May amnesia po ako sabi ng doctor. Nahulog po ako sa hagdan kaya I was hospitalized.”

“Ah... kaya pala. Anyway, kumusta ka na?”

Akala ko alam niya since dito rin naman sa ospital na 'to ako dinala. Anyway, nevermind. Marami nga naman kasi silang pasyente.

“Gaya nga po ng sabi ko kanina ay ayos lang po ako.”

“Mabuti kung gano'n. Sa ngayon ay ituloy-tuloy mo ang pag-inom ng mga gamot mo. Mukhang natigil ka ata sa pag-inom nito.”

“Opo.”

Natapos na ang usapan namin ng psychiatrist ko kaya pwede na akong umuwi. Bago tuluyang makauwi ay binili muna ni kuya ang mga gamot.

Naglalakad na kami ngayon ni kuya. Malapit na rin kasi kami sa bahay.

“Anong nangyari sa akin 11 years old ako, kuya?” tanong ko at napahinto sa paglalakad.

Napahinto rin siya sa paglalakad. “Wala ka bang naaalala?”

I shook my head. “Wala. Maaari mo po bang sabihin?”

“Hindi ko alam kung paano sasabihin, bunso. Ang mabuti pa ay huwag mo munang isipin 'yon.”

“Okay,” sabi ko na lang at nagpatuloy na sa paglalakad.

Ngayon pa lang ako makakauwi sa bahay. Pagkalabas ko kasi sa ospital ay sa apartment muna kami ni kuya umuwi pagkatapos ay nagtungo ulit kami sa ospital, sa may psychiatry department naman.

Nakarating na kami sa bahay at itinuro naman ni kuya kung saan ang kwarto ko dahil hindi ko na alam kung saan. Kinumusta naman ako nina papa at mama kanina bago ako makapasok sa kwarto ko.

Nilibot ko ang paningin sa kwarto ko at may litratong nakapukaw ng aking  atensiyon. Sino 'yon?

Lumabas ako ng kwarto at tinanong sina papa. Nagkatinginan naman silang tatlo at tila ayaw sumagot.

Inulit ko ang tanong. “Sino 'yong babaeng 'yon sa picture frame sa kwarto ko?”

“Ate mo,” sagot ni kuya Zelo.

“May kapatid pa pala akong isa pa. Akala ko si kuya Zelo at Zandro lang. Nga pala, nasaan naman siya?”

Nagkatinginan ulit silang tatlo. Hindi alam kung sino ang sasagot at kung sasagutin ba ako.

“Nasa malayo,” sagot ni kuya Zelo.

“Anak, hindi mo na siya makikita pa,” sabi naman ng aking ina.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon