Chapter 24: Accident

1 0 0
                                    

“Pasyal tayo,” nakangiting sabi sa akin ni Yuhan.

“Saan naman?”

“Dito sa inyo. Ilibot mo ako.”

I let out a sigh. “Gusto ko sana pero hindi rin ako pamilyar sa mga lugar dito e. Yeah, I've been living here for 18 years pero hindi pa rin ako maalam sa mga lugar.”

Natawa siya kasabay ng paggulo niya sa buhok ko kaya naman napabasungot ako. “Kaaayos ko lang ng buhok ko kanina e.”

“Ayusin mo ulit mamaya.”

“Yuhan naman e. Hmp!”

Napangiti lang siya saka ako hinila palapit sa kaniya at niyakap. Wala na akong nagawa kundi mapayakap din sa kaniya.

“Gusto mo talaga mamasyal?” tanong ko kasabay ng pag-angat ko ng ulo ko para makita ang reaksyon ng mukha niya.

Napangiti ito saka tumango. “Yeah. Hindi naman tayo mawawala rito sa inyo, 'di ba?”

“Hindi pero ‘pag ako lang siguro mag-isa baka maligaw ako. Syempre biro lang. Medyo pamilyar naman ako sa ilang lugar dito.”

“Naman pala e. Ikaw talaga, Ida. Alam mo naman pala.”

Napangiti na lang ako na para bang nahihiya.

Lumabas na nga kami ng bahay.

“Ang ganda ng mga gagawin dito sa inyo.”

“Yeah. Gusto mo puntahan natin ang madalas tambayan ko noong mga bata pa ako? Kasama ko noon mga pinsan ko kaso lipat lugar na sila e. Kami lang ng pamilya ko natira rito.”

Umakbay siya sa akin bago sumagot. “Sure. Saan ba banda?”

“Malapit lang. Sa amin din naman ‘yong lote e.”

“Talaga? Sige tara na.”

“Actually, nadaanan mo na e. Bago makarating sa bahay, may makikita kang daan papunta roon.”

Napahinto siya sa paglalakad.

“Dito ba?” tanong niya sabay turo ng isang daanan.

Tumango ako kasabay ng aking pagngiti. “Oo. Tara!” excited kong sabi saka siya hinila.

Naglakad kami ng mga sampung minuto at narating na namin ang lugar. May nga upuan at lamesa na gawa sa kahoy na nakalagay rito. May mga gawa sa bato rin.

“The place is so nice. It's like a playground!” manghang sabi ni Yuhan.

“Yeah. Playground talaga 'to namin. May pinapapunta rito sina mama at papa na maglinis every week or like mag-ayos, gano'n.”

Naglakad siya papunta sa isang upuan saka umupo. Inaya niya ako na umupo sa tabi niya. Naglakad na ako papunta sa pwesto niya saka umupo na rin.

“Pwede n'yong gawing tourist spot ito.”

“Plano nga nila papa e kaso wait lang daw muna. Ayusin pa nila.”

“I see. I can make sculptures to be displayed here. Pero ‘yong maliliit lang.”

Namangha ako sa sinabi niya. “Really? Wow! Thank you agad. Marami ka na bang sculptures na nagawa?”

“Nasa lima lang. Ikalima ‘yong binigay ko sa'yo. Sa kwarto ko lang din naka-display 'yong apat.”

“Nag-post ka ba ng mga artwork mo?”

He shook his head. “Nope. I don't want to. I'm not confident enough to share my artworks to the public.”

“But you're willing to share it here.”

“Anonymous sculptor naman ako e,” sabi niya saka nahihiyang tumawa.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon