Chapter 34: Preparation

0 0 0
                                    

“Zen, huwag ka magpuyat. Exam na ninyo bukas. You need enough sleep.”

Napangiti ako. “Opo, Ma. Matutulog na ako mayamaya.”

Uminom muna ako ng gamot saka nahiga na ulit. Tinignan ko kung may chat si Yuhan pero wala pa. Nakatulog na ata ito. Tinulugan na naman ako.

Nag-offline na lang ako.

Kinumutan ko na ang sarili saka pumikit.

Nagising ako dahil sa alarm ng phone ko. 5 AM na pala. Agad akong bumangon.

“Zen! Bangon na.”

“Oo, Ma! Gising na ako.”

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Nakahanda na ang mga pagkain. Mabubusog ako nito. Adobong manok ang ulam.

Uminom muna ako ng tubig.

“Ang aga mo po nagluto,” puna ko kay mama.

“Hindi naman ‘nak. Mas okay na ‘to kaysa late, ‘di ba?”

“Opo,” sambit ko.

Kumuha na ako ng kakainin ko.

“Final exam na ninyo, anak. Galingan mo.”

“Opo, Ma. Gusto ko ako top 1. Sulitin ko na ngayon.”

“Sa college, hindi mo susulitin?”

“Depende ‘yan, Ma. Hindi naman ako gano’n kagaling e.”

“Ang mahalaga naman sa amin ay ang makapagtapos ka ng pag-aaral gaya ng mga kuya mo. Pareho sila cum laude. Ikaw, baka kayanin mo ang magna o summa.”

“Hindi natin alam, Ma. Basta makakapagtapos ako. Sayang si ate.”

“Hayaan mo na ang ate, mapayapa na siya.”

“Opo, Ma. Sige na po. Huwag ka na madaldal, kumakain ako e.”

Natawa naman si mama.

“Sige ah, Ma, tumawa ka riyan. Sabay ka na rin kaya kumain sa akin.”

“Ay oo nga,” sambit niya at tumayo siya mula sa pagkakaupo. Naglakad siya patungo sa pinaglalagyan namin ng plato. Kumuha na rin siya.

Hindi ko na pinagmasdan ang sunod niyang ginawa. Nag-focus na lang ako sa pagkain.

After kong kumain ay nag-toothbrush na ako. Huhugasan ko sana ang pinagkainan ko pero pinigilan ako ni mama.

“Ako na maghuhugas. Maligo ka na,” sabi ng aking ina.

“Maaga pa, Mama.”

“Kahit na. Mabagal ka kumilos e.”

“Mama naman,” maktol ko.

Tinawanan lang ako.

Nagpunta na ako sa kwarto. Imbes na kunin ang tuwalya ko ay  nahiga ako. Kinuha ang phone at nag-online. Bungad ang messages ni Yuhan.

Yuhan: Sorry nakatulog ako😭
Yuhan: Good morning! Gising ka na ba?
Yuhan: Kain ka breakfast ah. Huwag magpagutom.

Nag-reply na ako.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon