Chapter 38: With His Family

0 0 0
                                    

“Anong ginagawa mo, Ida?” tanong sa akin ni Yuhan. Napansin siguro ang galawan ko na tila nagdadasal.

“Ssshhh Yuhan, nagdadasal ako.”

Ramdam ko na nagpipigil ng tawa ang magkakaibigan.

“Anong nakakatawa? Hmp!” sabi ko at iminulat ang aking mga mata saka nag-cross arms.

“Hindi naman kami tumawa ah,” sabi ni Liam na natatawa na dahilan para matawa na rin sina Yuhan at Hance.

“Oh, ayan. Tumawa na kayo.”

“Alam kong nagdadasal ka kasi makikilala mo na pamilya ni Yuhan,” sabi ni Hance. “Don’t worry, they will like you. Si Yuhan nga e, gustong-gusto ka.”

“Focus ka na lang kaya sa pag-drive, Hance. Baka imbes na sa bahay nina Yuhan ako makarating, sa ospital na ang bagsak nating lahat.”

Natawa na lang si Hance.

“Baba na ako,” sabi ni Liam.

“Mamaya ka na bumaba, Liam. Ihatid n’yo muna kami.”

“Ayaw ko nga, Yuhan. Kanina pa may missed calls nanay ko e.”

Iginilid ni Hance ang sasakyan niya para makababa na si Liam.

“Five thousand muna, Liam, bago ka bumaba.”

May kinapkap sa bulsa si Yuhan. Nang may makapkap na ay iniabot niya kay Hance. “Okay na ‘yan. Salamat!” sabi ni Liam at binuksan ang pinto ng upuan sa harap ng sasakyan saka bumaba.

“Limang piso? Ang kuripot mo namang nilalang ka!”

“Pasalamat ka na lang at hindi limang sentimo,” sabi ni Liam saka isinara ang pinto ng sasakyan.

Tawang-tawa naman kami ni Yuhan.

Nagpatuloy na ang biyahe hanggang sa malapit na kami sa kinaroroonan ng bahay nina Yuhan. Hindi kami huminto sa tapat mismo ng tirahan nila.

“Bayad muna kayo bago baba,” sabi ni Hance.

May iniabot si Yuhan sa kaniya.

“Piso? Grabe naman kayo sa akin!”

“Okay na ‘yan, Hance. May anim na pesos ka,” natatawang sabi ni Yuhan. “Pwede na ‘yan para sa isang Oishi.”

“Seven pesos isa ro’n, ‘yong maliit!”

“Oh, ito. Tanggapin mo na para maging eight pesos na pera mo. Oh, ‘di ba may pasobra pa na pang-candy,” sabi ko saka ibinigay ang two peso coins na kinuha ko mula sa small pocket ng bag ko.

Tinanggap naman niya. “Mga loko kayo. Bumaba na nga kayo! Ikaw, Zenaida, good luck. Kayong dalawa, huwag kayong gagawa ng milagro. Kulang pa pera ko panregalo.”

“Mawawalan ka ng kaibigan kapag nangyari ‘yon,” sabi ni Yuhan.

“Pinagsasabi mo?” sabi ko naman. “Bye na. Ingat sa biyahe!”

Natawa na lang si Hance. Bumaba na nga kami ni Yuhan.

“Limang minutong lakad ay makakarating na tayo sa bahay namin.”

“Okay. Yuhan, kinakabahan ako. Paano kung hindi ako magustuhan ng parents mo kapag nakita ako?”

Hinawakan niya ang isang kamay ko saka ito pinisil. “Huwag ka masyado kabahan. Anuman ang maging reaksyon nila, ikaw at ikaw pa rin naman ang pipiliin ko.”

Napangiti na lang ako at napayakap sa bisig niya.

Mayamaya pa ay nasa tapat na kami ng bahay nila. Nasa gate kami ngayon. Grabe, ang laki ng bahay nila!

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon