Chapter 22: Words of Affirmation

2 0 0
                                    

“Magandang umaga, binibini!” masayang bungad sa akin ng isang gwapong binata.

Napangiti naman ako. “Magandang umaga rin. Ang aga mo. Sina mama?”

“Maagang umalis sina tita.”

Napatango na lang ako.

“Kumain ka na, Ida. Baka ma-late ka pa sa klase n’yo.”

“Sabay na tayo,” nakangiting ani ko sa kaniya.

“Sure. Halika na,” sabi niya sabay hila ng upuan at sinenyasan akong umupo.

Wow! Gentleman!

Napangiti ako lalo saka naglakad patungo sa upuan saka umupo na. “Salamat.”

"Walang anuman, binibini,” sabi niya saka umupo sa katabing upuan.

Nilagyan niya ng kanin at ulam ang plato ko. Pinagmasdan ko naman siya habang ginagawa niya ‘yon. Nang matapos siya ay agad kong tinikman ang pagkain. Adobong baboy naman ang ulam ngayon. Kumuha na rin si Yuhan ng kaniyang kakainin.

“Mmm... ang sarap nitong ulam.”

“Mabuti naman at nagustuhan mo.”

Lumingon ako sa kaniya. “Ikaw ba ang nagluto?”

Tumango siya dahilan para mapangiti ako. “Wow! Magbabaon ako nito!”

“Gusto mo ba ihatid kita mamaya?”

“Hmm... gusto ko pero sure ka ba na ihahatid mo ako? Ma-issue mga kaklase ko.”

Napatigil siya sa pagsubo ng kanin saka tumingin sa akin. Ngumiti siya at sinabing, “Para alam nila na may boyfriend ka na.”

“H-Ha?”

He took my hand saka pinagsiklop ang aming mga kamay. “Ayaw kong mawala ka pa sa akin. We broke up but that doesn't mean na pinakawalan na kita ng tuluyan. Kaya ngayon ay sisiguraduhin kong ikaw at ako hanggang huli. Maaari ka bang angkinin ulit?”

Dahan-dahan akong napangiti. “Tinanong mo na ako kagabi, kung anong sagot ko kagabi ay 'yon pa rin ngayon. Mahal kita at sa'yo lang ako.”

Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa aking kamay. “Thank you. Tuloy na natin ang pagkain baka mahuli ka pa sa klase at ako ang sisihin mo.”

Napatawa ako. “Hindi ‘no!”

Binitawan ko na ang kamay niya saka nagpatuloy na sa pagkain.

* * *

“Kyah! Ang pogi ng naghatid sa iyo no'ng umaga, Zen! Sino 'yon?”

“Ang ingay mo, Florence!”

“Snack time na kaya. So, sino ‘yon? Curious na ako.”

I sighed. “Ito na sasabihin ko na. He’s my boyfriend.”

Tila hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin. “R-Really? Akala ko nga kayo na ni Anthony e.”

“It's true. Boyfriend ko ang naghatid sa akin. Saka, never naging kami ni Anthony. Nagkakasama naman kami pero as friends lang.”

“Hala. Kailan ka pa may boyfriend?”

I smiled. “Secret! Baka malaman mo.”

“Zen naman e! Parang wala tayong pinagsamahan ah.”

Natawa na lang ako at hinayaan siyang kinukulit ako.

“Zen!”

“Ssshhh. Time na, Florence. Tama na sa pagkulit sa akin.”

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon