Chapter 16: Again

8 0 0
                                    

Lumipas ang ilang araw at nagkakausap na naman kami ni Yuhan.

Yuhan: Sakit ng ulo at braso ko... need ata ng kiss mo. HAHAHAHAHA

Me: Yieee... gusto mo lang ng kiss eh.

Yuhan: Oo

There are horses racing in my heart. Miss na rin ba ako ng taong 'to?

Me: Say the magic word muna...hehehe

Yuhan: Anong magic word?

Me: Ay wala, di mo alam. Wala kang kiss.

Yuhan: Edi wala */pout

Natawa naman ako. Hinayaan ko na lang siya. Hindi na ako nag-reply pa.

Nagdaan ang mga segundo, minuto, oras, araw at linggo. I'm missing him again. Miss ko na siya. Sobra pa sa sobra. Sunday ngayon and I decided to wear a dress.

“Wow, Zen! Ang ganda mo!” pagpuri sa akin ni Janine.

“Thank you.”

“Halika, picturan kita! Post mo sa FB ah! Dapat makita ng mga tao ang kagandahan mo. Lalo na si Yuhan. Yie. Feel ko iniistalk ka niya.”

“Eh?”

Natawa naman siya sa naging reaksyon ko. Kinuhanan nga niya ako ng litrato.

“Grabe! Ang ganda mo talaga. Bagay na bagay sa'yo ang magsout ng dress!”

“Thank you. Ngayon nga lang ulit ako mag-dress e.”

“Talaga? Aba dapat every Sunday ka na mag-dress! Para nice!”

“Sige,” sang-ayon ko naman.

Napapalakpak siya.

Pumili kami ng picture ko. Lagay ko as Facebook cover photo ko. Nang makapili na kami ay agad kong pinost.

“Marami na naman pupuri sa iyo! Isa na si Anthony! Wala na ngang Justin na nangungulit sa'yo, may pumalit naman. May chance ba si Anthony?”

“Wala.”

Umakto siyang parang nasaktan. “Ouch naman sis. Bilis sumagot ah. Grabe ka ah. Napaka-loyal mo naman kay Yuhan. You were hurting because of him pero siya pa rin?”

“Being hurt countless time is okay with me. Mahal ko siya e.”

She sighed. “Martyr ka na, Zen. Learn to let go.”

“Ayaw ko. Mahal na mahal ko iyon. If ever I let go of something ay ‘yong nangyaring masakit, not him.”

“Okay. Tara na nga.”

Nagpatuloy na kami sa paglalakad at narating na namin ang simbahan.

___

“Ang ganda ni Zenaida. Bagay sa kaniya ang magsout ng dress.”

“Yuhan! Ready ka na?” sigaw ng aking ina. Nagitla ako dahil dito.

“Oo, Ma. Ready na ako.”

I saved her photo then turned off my phone saka lumabas na ng aking kwarto.

Nadatnan ko si mama na nakatayo sa labas ng kwarto ko.

“Tara na,” malumanay na sabi niya. Nauna na siya sa paglalakad.

Few minutes later, nakarating na kami sa simbahan. After the mass, pumunta kami sa isang restaurant para kumain. Kasama na naman namin ang bestfriend ni mama at ang kaniyang anak. Separate table kami.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon