Chapter 28: Date

1 0 0
                                    

“Ma, I’ll go na!” sigaw ko mula sa labas ng bahay.

“Ingat!” tugon lang ni mama. Naglakad na ako palayo sa bahay. Binilisan ko ang paglalakad kasi baka maiwan ako ng biyahe.

Pagdating ko sa waiting shed, saktong nandito na rin ang jeep. Agad akong sumakay.

Pagdating sa gym ay pumasok na kami ng mga kaibigan ko. Tumulong kami sa pag-aayos ng mga upuan.

Mayamaya pa ay nagsimula na ang program. Ako ang opening prayer.

After magsalita ni Mayor ay binigyan kami ng tokens. Wow! Ang bait naman ng mga taga-munisipyo tapos separate pa ‘yong natanggap ko from my supervisor this immersion.

May palaro pang naganap and then kainan na. After ko kumain ay nagpaalam ako sa mga kasamahan ko na mauuna akong aalis kasi may bibilhin pa ako.

Nakalabas na ako ng municipal gym nang biglang mag-ring ang phone ko. Tumatawag pala si Yuhan.

“Hello,” sabi ko pagkasagot ko ng tawag niya.

“Punta ka rito sa may park.”

“Ha?”

He chuckled. “Dito sa municipal park n’yo.”

“What?! You’re there?” sabi ko at lumingon-lingon sa may park and I saw him there standing under the tree and smiling at me. He winked when he noticed I found him.

“Come here.”

“Coming!” nakangiting sabi ko saka ako patakbong pumunta sa pwesto niya.

Agad akong yumakap sa kaniya nang makalapit na ako. He hugged me back.

“Masyado mo na naman akong na-miss.”

“Heh!” sambit ko.

Tumawa siya nang mahina. “Tara.”

“Where?” tanong ko.

“Sa McDo.”

“Kyah! Tara!” sabi ko at hinila ang kamay niya.

“Excited mo ah,” sabi niya naman.

Nakarating na kami sa McDo. Sa labas kami pumwesto.

“Bakit nandito ka? Wala ka bang gagawin doon sa inyo?” tanong ko. Grabe kasi e, parang wala siyang pinagkakaabalahan.

“Mayroon naman. Gusto lang kita ilibre. I know you were tired from your work immersion. You deserve something like this.”

Napangiti ako saka hinawakan ang kamay niya. “Thank you so much, Han. I feel so special.”

“You are special to me.”

“Thank you again.”

“You’re always welcome,” he said then wink after.

Dumating na ‘yong order namin kaya naman nagsimula na kaming kumain.

“Ubusin mo ‘yan, Ida ah.”

“Ubusin ah natin. Hindi ko kaya mag-isa.”

Natawa siya nang mahina. “Kaya mo ‘yan. Di ba gutom ka?”

“Hindi ah! Kumain kaya kami lunch sa munisipyo.”

“Okay ‘yan. Kain ka na nga lang. Enjoy the foods, Ida.”

Nginitian ko na lamang siya.

“Kailan ka uuwi sa inyo, Han?”

“Bukas.”

“Bakit bukas?”

“Sasabay ako sa isang friend ko. Sabay din kasi kaming pumunta rito. Binisita niya ang lolo niya.”

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon