Chapter 19: Bittersweet

5 0 0
                                    

“How are you, bunso?” tanong ng aking kuya. Nandito na naman kasi sila sa bahay.

“I'm fine naman po.”

“You sure?” paniniguradong tanong niya.

Tumango ako. “Opo.”

“You can always talk to me, Zenaida. Okay?” malumanay na sabi niya.

“Thank you, kuya.”

Nginitian niya lang ako saka tinapik ang balikat ko.

Nagtungo naman ako sa kwarto ko at doon umiyak. I don't know what's happening to me. Umiiyak na naman ako na hindi ko alam ang dahilan.

The next day at school, maaga na naman ako. Tapos na rin ang first two subjects kaya naman break time na namin.

I was currently drinking water when someone from behind suddenly spoke.

“Ayan. Uminom ng tubig para ‘di uhaw sa atensiyon ng iba.”

Natawa ako. Nilingon ko ang nagsalita at si Alesha pala.

Natawa naman siya. “Joke lang. Wala lang kasi ako masabi.”

“Okay lang. Grabe ha. Medyo tinamaan ako.”

“Bakit ka naman tinamaan e binibigyan ka naman ng atensiyon ni Anthony.”

“Hindi naman sa atensiyon niya ako uhaw e.”

“Ouch. Sa taong hindi ka mahal ka uhaw sa atensiyon?”

Mahal ako no'n! Pero mahal pa nga ba talaga ako?

“Grabe ha. Mahal kaya ako no’n.”

“‘Di mo sure!” sabi niya saka tumawa.

Napailing-iling na lang ako saka tumawa nang mahina.

Mayamaya pa ay tumunog na ang bell ng paaralan sign na magsisimula na ang next subject.

Natapos na naman ang dalawang subject kaya naman lunch time na. Hindi ako nagbaon pero ayaw ko ring umuwi. Hindi na lang ako kakain. I wear my earphones and play a music on my phone. I lay my head on the table then closed my eyes. Matutulog na lang ako.

Few minutes later, may gumising sa akin. It was Anthony.

“Dinalhan kita ng pagkain,” sabi niya sabay abot sa akin ng naka-lunch box na kanin at ulam.

“Sana all! Yie!Kayo na ba? Ang swerte ni Zen! Ikaw na! Sana all talaga,” sabi ng ilang kaklase kong nandito sa room.

“Thanks,” sabi ko na lang.

“Kumain ka na. You still have 15 minutes before the time.”

Kinain ko na nga ang pagkaing kinuha niya but I didn't finish it all.

“Hindi ba masarap? Hindi mo inubos e.”

“It taste good, Anthony. I just don't have the full appetite to eat.”

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon