Chapter 25: Lover's Care

2 0 0
                                    

“Zenaida! Gising! Zen, gising. Gumising ka.”

I grasp for air as I woke up. Tinignan ko ang gumigising sa akin, it's Yuhan. Agad akong napayakap sa kaniya nang mahigpit. Nagsimulang tumulo na rin ang luha ko.

“Ssshhh, it's just a bad dream,” sabi niya at hinagod ang likod ko.

“It feels so real.”

“Hindi ko man alam kung anong laman ng panaginip mo pero hinding-hindi mangyayari ‘yon.”

“Hindi ko kakayanin kapag nangyari ‘yon, Yuhan. Hindi ko kaya. Talagang ikakamatay ko.”

“Ssshhh, ‘wag mo na isipin ‘yon. Kanina pa kita ginigising, alam mo ba? Hindi kasi maganda ang timpla ng mukha mo.”

“Yuhan, natatakot ko.”

“Huwag ka na matakot. Hindi ‘yon mangyayari.”

Hindi pa rin ako kumawala sa yakap ni Yuhan. We just stayed silent while hugging each other.

Mayamaya pa ay dumating si kuya Zandro. “Ready ka na, Yuhan?”

“Opo.”

“Good. Tara na. Zenaida, pakawalan mo na si Yuhan. Magkikita pa naman kayo.”

I shook my head. “Wait lang. Yuhan, ano kaya kung ‘wag ka munang umalis?”

“Zenaida! May sariling buhay din ‘yang boyfriend mo.”

Hinigpitan ko pa ang pagkakayakap kay Yuhan. “Ingat ka ha. I will miss you.”

He kissed my forehead before letting go of our hug.

Tumayo na siya at kinuha ang kaniyang mga gamit.

“Alis na kami,” sabi ng kuya ko and naunang umalis sa sala.

“Punta na kami, Ida. Alagaan mo ang sarili mo ah. I love you,” nakangiting sabi niya.

“I love you too. Ingat ka ha,” sabi ko at patakbong lumapit sa kaniya upang yakapin ulit.

He hugged me back. “Don’t worry too much about me. I’ll be fine.”

Kumawala na ako sa yakap. “Yuhan, can I have your hoodie.”

Ngumiti siya saka inilapag muna ang bag niya. “Sure. Let me just take it off.”

Tinanggal niya na ang suot niyang hoodie saka iniabot sa akin.

“Thank you!” masayang sabi ko pagkakuha ng hoodie niya sabay yakap dito.

“Zenaida!” sigaw ni kuya Zandro mula sa labas.

“Ito na po. Papunta na riyan si Yuhan!”

Yuhan just chuckled.

“Bye, Yuhan! I love you!” sabi ko sa kaniya saka nag-flying kiss at kunwari sinalo naman niya.

Kakilig! I waved a hand hanggang sa makalabas na siya sa pintuan.

* * *

“Good morning, Zenaida!” pagbati sa akin ni Florence. “Tila masaya ka ngayon ah.”

I smiled widely. “I am! Nakatanggap kasi ako ng good morning.”

“Kaya naman pala! Sana all. Nandito pa ba ‘yong boyfriend mo?”

Inilapag ko muna ang mga gamit ko bago sagutin si Florence.

“Umuwi na sa kanila.”

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon