Chapter 37: Vacation

0 0 0
                                    

“Isang week kayo sa Cebu?” tanong ni mama kay Yuhan.

“Opo. Isasama niya mga kaibigan niya pero po tatlong araw lang do’n mga kaibigan niya.”

“Gano’n ba? Oh Siya sige. Mag-iingat kayo ha. Alagaan mo ‘yang anak ko ro’n.”

“Papa, pwede ako sumama?” tanong ni Zeno.

“Dito ka na muna. Hayaan mo muna na ang manang lang,” tugon ni papa kay Zeno. Napabasungot naman ito.

“Next time, Zeno. Okay?” nakangiting sabi ko.

Tumango naman siya. “Opo.”

Nagpaalam na nga kami.

Nakarating na kami sa paradahan. Kumpleto kami. Nag-hire sila ng van. Si kuya Zelo maghahatid sa amin at susundo sa mga kaibigan ko.

Sumakay na nga kami.

Habang nasa biyahe ay nagkantahan kami.

“Grabe si Yuhan. Singer talaga ah,” pagpuri ko sa kanya.

“Gusto mo lang kantahan kita e.”

“Che!”

He just laughed and continue singing. Sinasabayan niya ang background music.

Napasandal naman ako sa balikat niya.

Natapos na ang kanta.

“You like it?” tanong ni Yuhan.

“I love it!” Yumakap ako sa kaniya.

Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako. Nagising na lang ako no’ng ginigising ako dahil kakain na raw muna kami. Nang magising na nga ako ay nagtungo na kami sa Cyndi’s Resto.

I was amazed at how this restaurant is designed. It’s perfect for people who love moon.

“This is perfect for me.”

“Sure it is, my moon.”

“My moon, my moon pa kayong nalalaman. Pumili na nga kayo ng kakainin n’yo para makapag-order na tayo,” sabi ni Liam sabay bigay sa amin ng menu.

Napatawa na lang kami ni Yuhan. Kinuha naman na ni Yuhan ang menu.

“Fried chicken rice and carbonara for me,” sabi ko naman pero hindi ko tinitignan ang menu.

“Meron ka na agad napili e hindi mo pa naman tinitignan ang menu,” sabi ni Janine.

“Noted, Ida. How ‘bout drinks?”

“Cucumber lemonade.”

“Paano mo alam na nasa menu ang mga ‘yan?” nagtatakang tanong ni Janine.

“Hindi ko alam. Sakto lang siguro na ang gusto kong kainin ay nasa menu nila.”

Tinawag na nila ang isang waiter and sinabi ni kuya Zelo ang mga order namin.

“Gaano kaya katagal bago dumating ang order natin?” tanong ko.

“Gutom ka na?” tanong ni Yuhan.

“Oo.”

“Sila rin,” says Yuhan pertaining to his friends. Tinuro niya kasi mga kaibigan niya.

“Aba, sino bang hindi?” sabi ni Liam.

Natawa na lang ang iba sa amin. Ako naman ay inilibot ang paningin sa kabuuan ng restaurant. May mga moon paintings sa wall na nakasabit. Tapos iba naman ‘yong wall na napintahan mismo ng moon, ‘yong full moon. Ang gaganda rin pagmasdan ang mga crescent hanging lamp dito sa loob.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon