Chapter 10: Birthday Celebrants

16 1 0
                                    

Iba talaga ang sayang aking nararamdaman kapag kausap ko si Yuhan. Tila wala na akong problema pero dumadating sa time na kahit nandiyan siya ay nakakaramdam ako ng pag-iisa na tila ba walang may pake at nagmamahal sa akin. I overthink. Natatakot din. Natatakot ako sa posibleng mangyari. What if mali pala na nakipagrelasyon ako? What if hindi naman mali pero hindi muna dapat ngayon? What if bigla siyang mawala sa akin? What if iwanan niya ako? What if pinaglalaruan lang naman ako? What if ginagamit lang ako? What if ganoon nga?

Hindi ako makatulog sa dami ng iniisip ko. Sa tingin ko naman ay tulog na si Yuhan. Nagpaalam na kami sa isa't isa na matulog. Ika-11 na kasi ng gabi.

Lumipas ang mga araw at ganoon pa rin ang routine namin ni Yuhan. Nagkakausap kami gabi-gabi, puro kumustuhan ng nangyari buong araw. May time na naitutulugan namin ang isa't isa pero madalas na siya ang matulog ng maaga. Ako? Gising pa rin hanggang mag-umaga. Umiinom naman ako ng gamot ko para tulungan akong antukin at makatulog nang maayos pero hindi pa rin ako makatulog. Nakakaidlip lang saglit pero agad ding nagigising. Lagi na lang ganito. Parang may masamang mangyayari e.

Bukas ay birthday na ni Yuhan. Ginawan ko ulit siya ng tula. Maraming beses na akong sumulat pero hindi ko sinisend sa kaniya. Pumipili lang ako ng i-se-send. Bukod sa tula, ano pa ba ang pwede kong iregalo sa kaniya? Kantahan ko? Edited video? Hmm... bahala na kung anong magawa ko ngayong araw.

___

“Yuhan, ano balak mo bukas?” tanong ng aking kaibigan na si Liam. Nandito na naman sa bahay ang dalawa kong matalik na kaibigan. Parang dito na nga ang bahay nila e.

“Wala,” tipid na sagot ko.

“Hindi ba tayo gagala, bro?” tanong ni Hance. Gala na naman. Uubusin na naman nila ang pera ko e.

“Uubusin n'yo na naman pera ko!”

Natawa naman sila. “Mayaman naman kayo e!”

“Oo nga!” sang-ayon ni Liam sa sinabi ni Hance.

“Anong mayaman? Hindi naman ah.”

“Sus! Pa-humble pa!” natatawang sabi ni Hance. “Pa-humble ka nang pa-humble ngayon ah.”

“Ewan ko sa'nyo!”

“One call away lang kami ah, bro.”

“One call, one call away na pinagsasabi mo, Liam? Nakailang missed call nga kami sa'yo kahapon,” sabi ni Hance.

Hindi ko na lang pinansin ang dalawa na nagsisimulang magbatuhan na naman ng kanilang pangangatwiran. Nagbasa na lang ako ng libro.

Mayamaya pa ay tinawag ako ng dalawa.

Nilingon ko sila. “Bakit?”

“Hindi mo talaga kami aayain bukas?” tanong ni Liam.

“Imbitahan ko man kayo o hindi, alam n'yo na kung may party na gaganapin o wala. Pupunta at pupunta pa rin naman kayo dahil alam n'yo kung kailan ang birthday ko. Saka, ayaw kong umabsent bukas.”

“Iba pa rin kasi sa pakiramdam 'yong inaaya mo kami,” sabi ni Liam.

Napangisi naman si Hance. “Ngayon na lang tayo gumala!” excited na sabi nito.

Napamura ako dahil sa sinabi niya. Wala akong takas!

Nagtawanan naman silang dalawa.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon