Chapter 4: Christmas

30 1 0
                                    

Matutulog na sana ako nang biglang tumunog ang phone ko. May text galing kay Yuhan.

Yuhan: Gising ka pa?

Me: Yes

Yuhan: Kumusta?

Me: Ayos naman. Ikaw?

Yuhan: Ayos lang din. Medyo antok na nga lang.

Me: Matulog na muna tayo.

Yuhan: Sige. Merry Christmas! I love you.

Napangiti ako. Unang paskong siya ang kausap.

Me: I love you too. Merry Christmas!

Nang mareplyan ko na siya ay inilapag ko ang phone ko sa table at kinumutan ko na ang sarili.

Nagising ako mga 10 AM. Ang ingay sa sala. Lumabas na ako ng kwarto ko.

"Ang ingay n'yo," reklamo ko nang makarating sa sala. Nasa sala silang lahat.

"Nagkwekwentuhan lang at effective nagising kang tulog mantika ka," sabi ni kuya Zelo.

"Che!" Dumeretso na nga lang ako sa kusina. Nagutom ako e.

Kumuha na ako ng kakainin ko saka tumutok sa phone ko. May message pala galing kay Yuhan.

Yuhan: Good morning.
Yuhan: Musta ang tulog?
Yuhan: Kumain ka na?

Nag-reply naman na ako. Ang aga naman niya magising. Around 7 AM ang message niya e.

Me: Good morning too. Kagigising ko. Ayos naman ang tulog ko and kumakain ako now. Hehehe

Mayamaya pa ay may reply na siya.

Yuhan: Eat well. Reply ka kapag tapos ka na.

Itinuloy ko na ang pagkain ko. Nang matapos ako ay hinugasan ko ang mga pinagkainan namin. Ang dami. Nang matapos na ako ay nagpunta ako sa kwarto ko.

Nag-message na rin ako kay Yuhan.

Me: Tapos na ako.

Pagkaraan ng ilang minuto ay may reply na siya.

Yuhan: That's good. Gawa mo na??

Me: Nakahiga lang. Ikaw ba?

Yuhan: Nakahiga rin. Pwede ba akong tumawag?

Me: Sige.

Yuhan: Okay :)

Mayamaya pa ay tumawag na nga siya.

Tunog ng gitara ang sumalubong sa akin.

"Hello," sabi ko.

"This song is for you, Zenaida."

Ano kaya kakantahin niya?

"I'll just sing some of the lyrics. Sana magustuhan mo."

"Okay."

"Oh, I don't want a lot for Christmas
This is all I'm asking for
I just wanna see my baby standing right outside my door

Oh, I just want you for my own
More than you could ever know
Make my wish come true
Oh, baby, all I want for Christmas is you
You, baby"

Napangiti ako. Ang galing niyang kumanta. Ang ganda talaga ng boses niya.

"Merry Christmas again," sabi ni Yuhan dahilan para mas mapangiti ako.

"Merry Christmas too. Ang galing mo kumanta ah. Salamat sa song. I love you."

"Para sa'yo, kakanta ako. Saka anong magaling kumanta? Pangit nga boses ko e."

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon