Chapter 41: Breakdown

0 0 0
                                    

It’s October. Katatapos lang ng midterm exam namin. Madalang ko nakakausap si Yuhan. Tagal niya ulit mag-message. It feels like nangyayari na naman ang mga panahon na malapit na kaming mag-break.

Bigayan na ng grades and I’m happy about it. Wala akong grades na dos pababa. I feel bad sa ilang kaibigan ko. May naka-tres pababa sa kanila. Sakto kasi na medyo magkasabay schedule namin ng exam sa university nila. Si Janine naman, ongoing ang kanilang exam.

I asked my friends if they are free this Saturday. Ililibre ko sila.

After five hours ay kompleto na kami. Nandito kami sa SamG Is the Susi. Nagpaparinig sila sa Facebook na gusto nila mag-samgyeop.

“Oh my! Thank you, sissy! You’re the best!” sabi nila sa akin.

All we did for four hours ay kumain at magkwentuhan. Halos tungkol sa mga karanasan lang naman namin sa paaralang pinasukan namin.

“Naka-apartment ka?” tanong ni Amlani.

“Yes. Sa tabi lang din ng kinarooonan nina kuya Zelo.”

“Really? Can we go?” excited na sabi ni Chaskalyn.

“Next time.”

“Okay! Salamat ulit sa libre. See you again. Ingat. Una na kami. Bye!” pagpapaalam nila sa akin.

“Wait, sana ma-meet din namin mga friends mo sa university n’yo,” sabi ni Chaskalyn.

“You will soon.”

“Sige. Bye!”

Nag-cross na sila sa kalsada. Ako naman ay naghintay ng masasakyan. Nang may makita na ako ay pinara ko ito saka sumakay.

Pagdating sa apartment ay agad na humiga ako.

Naramdaman ko na naman ang pagtulo ng aking mga luha. Ano ba naman ito. Kasisimula lang ng finals ay umiiyak na ako. Sumasakit din ang ulo ko madalas. Minsan ay ang tiyan ko naman, hindi kasi ako nakakakain nang maayos.

Tuloy-tuloy ang ganito hanggang sa fourth week ng October. Wala pa akong natatanggap na mensahe kay Yuhan simula second week. Kinalimutan na ba niya ako? Patapos na ang October.

I can’t stop crying. Sunod-sunod ang pag-breakdown ko. Ang daming pinapagawa sa school. Hindi ko naman magawa na mag-share sa mga kapatid ko at iba ko pang kapamilya kasi abala sila. Ayaw ko na pati ako problemahin nila. I can’t share something too to my friends kasi knowing their struggle sa academic and with their family, ayaw ko na makadagdag pa. Hindi na rin ako masyado sumasama sa kanila after class. Deretso uwi ako kasi randam ko talaga ang pagod ko sa bawat maghapon. I wanted to call Yuhan pero nag-aalinlangan ako. Hindi nga ako madalas kausap noon e tapos ngayon hindi na talaga ako kinakausap. Paano pa kaya ako makakapag-share sa kaniya? Siya ang kailangan ko para mas kumalma.

Lumipas ang isang linggo at medyo maayos naman na ang pakiramdam ko. Noong araw ng mga patay, binisita namin puntod ng ate ko. I miss her so much. Siya ‘yong lagi kong kakwentuhan noon e.

I took a deep sigh and nag-log in sa role play account ko. I posted something again. Mga parinig lang naman na miss na miss ko na siya ang laman ng timeline ko. Pagkaraan ng ilang minuto ay may notification ako. He reacted to my post. W-Wait. What? Nag-react siya! Does this mean na pwede ko na siya i-chat ulit? However, I want him to chat with me first. It’s already in the second week of November, isang buwan na mula noong hindi niya ako kinakausap.

Napahiga na lang ako at naramdaman ko na naman ang pagtulo ng luha ko. Hindi na naman ako matigil sa pag-iyak. Nalulungkot ako. Bakit hindi na lang niya ako i-chat? Ayaw niya ba akong kausapin? Nahirapan akong huminga. Hawak ko pa rin ang phone ko at hinanap sa contacts ko ang number ni kuya. I dialed his number.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon