Chapter 11: Problem

16 0 0
                                    

“Nasaan na bunso?”

Nilingon ko si kuya Zelo. “Ang alin?” inosenteng tanong ko.

Napasimangot naman siya. “Tula.”

Natawa ako. “Wala!”

“Hindi ka kakain mamaya 'pag wala 'yon.”

“Ay wow lang ha, kuya. Grabe ka sa akin. Sana 'di ka na lang nagpa-birthday.”

Tumawa naman siya. “Biro lang. So, nasaan na kasi?”

“Mamaya ko ibibigay,” nakangiting sagot ko.

“Okay. Thank you.”

“Welcome!”

Pumunta muna ako sa kwarto ko at tinignan ang tulang ginawa ko. Okay na siguro 'to. Mukhang okay naman e. Pabulong kong binasa ang tula.

“Kuya. Kuya kong matangkad, sa pandak bumagsak. Torpeng nilalang, takot din pa lang maunahan. Salamat at naging kuya kita. Kuya na maaasahan at ako'y kaniyang dinadamayan. Salamat sa pag-intindi mo sa akin.”

Wala na akong alam sabihin e. Ah basta okay na 'yan. Lumabas na ako ng kwarto ko at hinanap kung nasaan siya.

Nasa labas siya kasama si ate Rosalia. Lumapit na ako at agad iniabot sa kaniya ang pinagsulatan ko. Naka-frame pa nga with picture niya at ako.

“Salamat,” sabi niya at agad na binasa. Nakibasa rin si ate.

Nakatayo lang ako at hinihintay ang reaksyon nila.

“Grabe ka sa akin, Zen. Mas matangkad naman ako sa'yo.”

Natawa ako. “Malapit na kita malampasan, ate.”

“Ang short naman nito, bunso. Wala ka bang iba pang sasabihin?”

“Wala na ako maisip. Okay na ‘yan, Kuya. Huwag ka na magreklamo. Pasalamat ka na lang at binigyan kita.”

Natawa naman siya. “Oh Siya, oo na. Salamat ulit, bunso. Makakakain ka na mamaya.”

“Che! Makakakain talaga ako. Dadamihan ko pa!”

“Akala ko ba ayaw mong tumaba,” sabi ni kuya.

“Oo nga, Zen.”

“Ayaw ko ngang tumaba pero dahil maraming pagkain, kakain ako! Sayang kong hindi ko matikman e.”

Tinawanan na lang nila ako. Umalis na ako sa harapan nila at nagpunta sa kusina. Kumuha ako ng slice ng pizza dahil gutom na ako. Si ate Rosalia ang gumawa nito. Papaturo kaya ako? Next time na lang siguro.

“Pang ilang kuha mo 'yan?”

Nagulat ako nang biglang may magsalita sa likuran ko. Si kuya Zandro pala.

“Isa pa lang e.”

“I doubt,” natatawang sambit niya.

“Che! Bahala ka na nga,” sabi ko at naglakad palabas sa kusina.

Naiwan naman siyang tumatawa lang.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon