Chapter 15: Bye-bye

13 0 0
                                    

“Wow, Zen! Pumayat ka!”

Iyan lagi ang bungad sa akin ng mga kaklase ko. First day of classes ngayon pero wala munang lessons for this week. Assessment daw muna.

“May bagong kaklase pala tayo. Ang pogi niya!” sabi ni Florence na tinabihan ako ng upo.

“New crush unlock ka na naman.”

Natawa naman siya sa sinabi ko. “Nakuha mo, teh! Sana makatabi ko siya.”

“Libre mangarap,” natatawang sabi ko. Binatukan naman ako. “Aray naman! Sakit no'n ah, Florence.”

“Sorry.”

Hindi na lang ako nagsalita pa. Tumutok na lang ako sa cellphone ko.

“Teh! Ayan na siya oh,” biglaang sabi ni Florence sabay yugyog sa akin.

“Pake ko?”

“Ito naman! Kala mo may jowa.”

Natawa na lang ako at hindi siya pinansin. Tumutok na lang ulit ako sa binabasa kong kwento.

Natapos ang unang araw sa klase at naging maayos naman ang takbo ng mga nangyari.

“Kumusta, ‘nak?” bungad sa akin ni mama. Kakauwi ko kasi.

“Ayos naman po, Ma. The day went well.”

“Mabuti kung gano'n. Inubos mo ba ‘yong baon mo?”

“Oo naman po.”

“Good. Huwag mo kalimutan kumain. Makakasama sa kalusugan mo ang hindi pagkain lalo na at may medications ka.”

I sighed. “Opo, Ma. Alam ko ‘yan.”

* * *

“Kumusta ang first week?” tanong ni Janine. Dinalaw na naman ako rito sa bahay.

“Ayos naman. Ikaw?”

“Ayos lang din,” sabi niya sabay subo ng chips.

“Marami kayo sa klase?”

“Sobra! 50 plus ata kami e. Grabe, sobrang dami namin.”

Natawa naman ako. Grabe kasi pagkakasabi niya. “Ayos lang 'yan,” sabi ko naman.

“Hindi siya ayos sa akin. Baka mapagpalitpalit ko pangalan ng mga kaklase ko.”

“Hindi 'yan. Magaling ka naman sa memorization e.”

She sighed. “Maybe. Kayo ba? Ilan kayo?”

“22.”

“Wow! Ilan ang boys?”

“11.”

“Woah. Idi pares-pares na 'yan.”

I chuckled. “Malabo. Taken na karamihan sa girls.”

“Ay! Ikaw, taken ka pa ba?”

Napaisip naman ako. May kami pa ba ni Yuhan? Kailangan ko na bang makipaghiwalay? Baka kasi hinihintay niya lang na ako ang magsabi.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon