Chapter 40: New Set of Friends

0 0 0
                                    

Nang natapos na kaming kumain ay bumiyahe ulit kami. Nagpatugtog si Hance ng mga broken songs kaya natatawa kami ni Yuhan. Sinasabayan namin ‘yong awit.

“Hindi na ako magmamahal ulit!” sigaw ni Hance.

“Insan, baka nasa province natin ang para sa iyo. You know, I still have a friend who is single.”

“I don’t care anymore. I’m broken. I deserve a drink after this.”

“Iinom ka tapos iiyak ka rin,” sabi ko.

“I guess yeah. Ganiyan nga si Yuhan lagi e.”

“Hindi ah!” pag-deny ni Yuhan.

Tumawa na lang ako.

* * *

Nandito na kami sa bahay.

“Manang Z! Manong mabait! And hello manong broken.”

Nagulat ako sa itinawag ni Zeno kay Hance. Natawa naman si Yuhan.

“How did you know he’s broken?”

“He is? Wow. I didn’t know.”

“Ikaw, Zeno ah. Huwag mo naman ipamukha sa kuya mong ako na pogi.”

“Pogi raw. Pogi nga pero ipinagpalit naman sa iba,” natatawang sabi ni Yuhan.

“Like you! Many times pa nga sa‘yo e,” sabi naman ni Hance.

Tinignan siya nang masama ni Yuhan.

Sa sumunod na araw ay bumiyahe na sila pabalik sa lugar nila.

“Manang Z!” pagtawag sa akin ni Zeno. Kaming dalawa lang ang natira ngayon dito sa bahay.

Lumingon ako sa kaniya. “Bakit?”

“Kapag hindi ka kinakausap ni manong mabait, huwag ka po masyadong malungkot ha?”

Nangunot ang noo ko. “Bakit mo naman nasabi iyan?”

“Makakasama po sa karamdaman mo.”

“Eh?”

Ngumiti lang siya.

* * *

First day of classes na.

Nasa university na ako at hinahanap ang mga rooms ko. Dapat pala pumunta ako last week para hanapin ang mga ‘to e. Bago ko ipagpatuloy ang paghahanap, punta muna akong registrar’s office para kunin ang I.D. ko. Doon daw dumeretso e para kunin ‘yon.

After kong makuha ang I.D. ko ay nagpatuloy na ako sa paghahanap. Face-to-face lahat ng schedule ko e. Bahala na lang daw ang mga guro kung kailan nila balak mag-online class.

Finally nahanap ko ang first room ko. May mga nandito na.

“Psych 1A?” tanong ng isang babae na nakaupo sa harapan.

“Yeah,” tugon ko. Umupo ako sa isang upuan sa second row.

“I’m Cyndia by the way, you?” nakangiti niyang pagpapakilala.

“Zenaida.”

“I think I saw you somewhere else.”

“Hmm?”

“I remember it! I saw you online! A photoshoot with your boyfriend.”

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon