Chapter 32: Spoken Poetry

0 0 0
                                    

“Alis na kayo?” malungkot kong tanong kay Yuhan.

“Okay na ang panahon, Ida. Balik ako rito ‘pag graduation n’yo na.”

“Sama mo ulit kami, Yuhan,” nakangiting sabi ni Liam.

“Gusto mo lang kasi makita si Ninita,” bulalas naman ni Hance.

“Bigyan ko regalo. Ano ba gusto no’n? Zenaida, bigyan mo ako idea.”

“Ayaw ko nga. Bahala ka riyan.”

“Ito naman. Por que aalis na kami e. Sige na, magsabi ka na.”

“Pagkain lang sapat na sa kaniya,” ani ko at nag-thumb ups pa ako sa kaniya.

“Aside from food?”

“Accessories,” tugon ko.

“Nice!” masayang sabi niya. “Thank you, Ida!”

“Liam! Ako lang pwede tumawag sa kaniya ng Ida,” sabi ni Yuhan. Natawa naman ako.

“Ito naman. Hindi ko naman aagawin.”

“Kahit na.”

Natawa na lang din ang dalawa.

“Aish basta,” sambit ni Yuhan saka lumingon ulit sa akin.

He cupped my face and said, “Huwag kang mag-alala. Pupunta ako sa graduation mo, and please keep fighting. Okay?”

Tumango naman ako saka ngumiti. Mayamaya pa ay inilapit niya ang ulo ko sa may dibdib niya saka ako niyakap.

I can hear his heartbeats. It’s like music to my ears. I looked up to him. I will miss you. Ingat ka ro’n  ah. Update mo 'ko kung nasaan na kayo banda."

“Yes boss,” sabi niya saka hinalikan ang noo ko.

“Ingat sa biyahe!”

“Opo. Halika na. Kunin mo na mga gamit mo. Sabay na tayong lumabas dito sa bahay n’yo.”

Kinuha ko na ‘yong bag ko. Humawak ako sa kamay ni Yuhan  saka naglakad na kami palabas.

“Ingat kayo mga iho,” sabi ni mama na nasa kusina. Sa may kusina kasi kami dumaan.

“Ingat!” parehong sabi nina kuya Zelo at Zandro na nasa labas at nakaduyan.

Madadaanan naman namin ang isang greenhouse at nandito si papa.

“Ingat kayo,” sabi ni papa.

“Salamat po,” nakangiting sabi ng tatlo.

Pagdating sa pinagparadahan nila ng sasakyan ay sumakay na rin ako. Tinamad ako maglakad kahit malapit lang ang school e.

“May five minutes lang kayo na magkasama,” sabi ni Hance. “Hindi lang pala five minutes, baka isang minuto lang ‘pag binilisan ko pagmamaneho.”

“Hmp,” ani ko.

Natawa naman siya.

Yumakap ako kay Yuhan. Niyakap niya rin ako pabalik. Walang nagsalita sa amin.

Nang makatapat na namin ang gate ng school ay huminto ang sasakyan. Kumawala na rin ako ng yakap kay Yuhan.

“Ingat, Ida.”

“Ingat din, Han. I love you.”

“I love you more,” sabi niya saka niya hinalikan ang noo ko.

Napangiti naman ako saka niyakap siya muli. Agad naman na akong kumawala kasi may bumusinang sasakyan sa likod namin.

Bumaba na ako ng sasakyan at pinagmasdan ang paglayo ng sinakyan nina Yuhan.

Pumasok na ako sa gate. Agad akong dumeretso sa classroom namin. As usual, ako na naman ang pinakamaaga.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon