Chapter 23: Concerned

2 0 0
                                    

"Pinatawag kita kahapon pero umuwi ka na pala."

"Sorry, Sir. Ano po ba dapat ang sasabihin n'yo?"

"May itatanong sana ako regarding your action plan for this February pero kay Anthony ko na lang tinanong."

Napatango naman ako. Alam din naman ni Anthony ang nasa action plan.

"Ay okay sir. Sige, uwi na po muna ako."

"Hmm... Are you not going to monitor the cleaners this afternoon?"

"May iba naman pong checkers. Kaya na nila 'yan."

Napabuntong-hininga si Sir Avila. "Sorry ha... pero maaga ka bang uuwi dahil sa boyfriend mo?"

"Yes, Sir and I feel tired na rin po."

"Okay. Take a rest then."

"Thanks, Sir."

"No worries."

Lumabas na ako ng office niya.

Malapit na ako sa school gate nang makasalubong ko si Florence. Tinawag niya ang pangalan ko dahilan para mapaangat ako ng ulo.

"Akala ko nakauwi ka na?" tanong ko sa kaniya.

"May babalikan akong gamit sa classroom natin."

"Ah okay sige, bye!"

Tinanguan niya lang ako saka nagpatuloy na sa paglalakad. Nagpatuloy na rin ako.

"You look sad. What happened?"

Hindi ko na nilingon pa si Yuhan at tuloy lang ako sa paglalakad.

___

Hinihintay ko ngayon si Zenaida. Dismissal na nila kaya naman medyo napaaga ako ng pagpunta rito.

Natanaw ko ang pigura ni Zenaida. Nakayuko ito habang naglalakad at dahan-dahan pa siya sa kaniyang paglakad.

Salubungin ko sana pero mas mabuting hintayin ko na lang. Baka nagmumuni-muni na naman siya.

"Hi."

Nilingon ko ang babaeng nagsalita. Tinignan ko lang siya at hindi nagsalita.

"Ikaw 'yong boyfriend ni Zenaida, 'di ba?"

Tumango lang ako bilang tugon.

"Ayon siya oh," sabi niya sabay turo kay Zenaida. Alam ko, nakita ko nga kanina.

Tumikhim ako. "Maaari bang humingi ng pabor? Pakipansin naman si Zenaida at tila nawawala siya sa kaniyang sarili."

Napangiti ang babaeng nasa tabi ko. "Ang swerte naman ni Zen! Caring ang boyfriend! Okay! No problem. Ako na ang bahala. Bye!"

Naglakad na ang babae at makakasalubong niya si Zenaida. Tanaw ko mula rito ang pag-uusap nila ngunit hindi ko marinig kong ano ang pinag-usapan nila. Tila maikling oras lang din 'yon.

Malapit na si Zenaida sa kinaroroonan ko at nang makatapat niya ako ay nagsalita ako. "You look sad. What happened?"

Hindi siya nagsalita o lingunin man lang ako. Tuloy lang siya sa paglalakad. Sumunod na lang ako.

Dahan-dahan pa rin siya sa paglalakad. Kukunin ko na sana ang file case niya pero mahigpit ang pagkakahawak niya rito. Mayamaya pa ay niyakap niya ito. Ida, ako na lang kaya yakapin mo.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon