Chapter 44: Family Gathering

0 0 0
                                    

Nandito na sa bahay ang pamilya ni Yuhan. Aliw na aliw ang kambal niyang kapatid sa kambal nina kuya Zelo. Buti naman at nagkasya kami rito sa sala. Nakauwi na rin kasi sila kuya Zandro.

“So, bunutan na po tayo.”

Si Yuhan na ang unang nagsalita ulit.

Nagbunutan na nga kami.

Nang matapos kaming magbunutan ay bigla kaming tinanong ng papa ni Yuhan.

“Kailan n’yo balak ikasal?”

“Po?” tanging nasambit ko lang.

“Bata pa po sila,” sabi ni kuya Zelo.

“Pasensiya na at ito ang nabanggit ko. Gusto ko lang masilayan silang ikasal at makita ko man lang ang kahit isa sa magiging apo ko bago ako mamatay.”

“Pa, don’t say that! You’ll survive the operation,” mangiyak-ngiyak na sabi ni Nadia.

Tipid na ngumiti ang kanilang ama. “Oo naman. Pero baka hindi rin kasi ako tumigil after niyan.”

“Papa naman!” sabi naman ni Aidan.

“To answer your question po, ikakasal po kami after naming maka-graduate pareho.”

“That will be in four years, Dad. So, stay alive until then,” sabi naman ni Yuhan.

“Akala ko ba after magkaroon ng trabaho itong si Zenaida at nasa edad na ano siya,” sabi ni kuya Zelo.

“We had plans, kuya. Okay? Don’t worry, we both agreed to it.”

“Okay, bunso.”

“Sakto nga ‘no. Same year kayong magtatapos. Mag-board exam na ba kayo agad after?” tanong ni mama.

“Depende po,” sabay naming sagot.

“Yuhan, pagbutihin mo ang pag-aaral mo. Ikaw ang magiging modelo sa pamilya natin.”

“Noted, Mom. I got this!”

“Nga pala, nakausap n’yo na ‘yong resort, anak?” tanong ng nanay ko.

“Opo. Solo po natin ang resort sa 26,” sagot ko naman.

“Mabuti naman kung gano’n. Anong gusto n’yong ihanda para sa araw na ‘yan?”

“Chicken!” sabay na sabi ni Aidan at Nadia.

“Anything will do. Kami na ang bahala mag-prepare,” sabi ng nanay ni Yuhan.

“Aba, dapat may ambag din kami.”

Ngumiti ang mama ni Yuhan. “Okay na si Zenaida para sa anak namin.”

“Eh?” tanging reaksyon ko na lang.

Mayamaya pa ay pinagluto si Yuhan. Sinamahan ko naman siya. Taga-abot lang ng mga kailangan niya. Magluluto siya ng adobong baboy.

“Magluto ka kaya ng sopas, Ida.”

“Sa 26 na.”

“Pwede naman pero magluto ka pa rin ngayon.”

“Ayaw ko. Katamad.”

“Tamad na bata.”

“Che! Makasabi naman ito ng bata.”

Tumawa lang siya.

“Ang bango naman!” sabi ko.

“Sino? Ako ba?”

“Hindi! Ang niluluto mo ang tinutukoy ko.”

“Sus! Lapit ka sa akin. You can smell all day if you want.”

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon