Chapter 26: Celebrate

2 0 0
                                    

Nakauwi na ako galing store at kasalukuyang nakahiga ako sa duyan.

"Sana all kay bunso, paduyan-duyan lang."

Natawa naman ako dahil sa sinabi ni kuya Zelo.

"It's so relaxing, kuya."

"Yeah yeah. Pahinga ka na lang diyan."

I just smiled. Tumutok ulit ako sa phone ko. Nag-uusap naman kami ni Yuhan. Nasa school na nila siya. Well, kanina pa.

Yuhan: I'll chat you later, Ida. We have something urgent to do.

Huhu. Ano kaya gagawin nila? Anyway, sana magawa nila.

Me: Okay! Good luck.

He reacted heart to my message. So, ano na ang gagawin ko? Baka mamayang gabi na siya mag-chat.

___

"Pumalpak!" inis kong sabi.

"It's okay, bro. We can fix it," kalmadong sabi ni Liam.

"What's wrong with this? Naayos naman natin 'to before we left it here. We even comeback this morning to check for any possible casualties. This is just a simple product experiment pero pumalpak pa rin!"

Mayamaya pa ay may pumasok sa room na kinaroroonan namin. It's Hance.

"What happened, bro?"

"Itong Automatic Room Light Controller na ginawa namin, pumalya," si Liam na ang sumagot.

"How come? Baka may nangialam."

I'm frustrated! Pinaghirapan namin 'to.

"I have tools here, we can fix that. Mamaya n'yo pa ulit 'yan i-present, 'di ba? May second chance kayo," said Hance while bringing out some tools from the bag he brought.

"Kaya pa natin ayusin 'to," said Liam.

"Okay," maikling sabi ko saka kumuha na ng tools para ayusin ang project namin.

* * *

"Congratulations, Yuhan and Liam! Kayo ang may pinakamataas na marka!" pagbati sa amin ni Hance sabay tapik sa aming balikat.

"Thanks," sabay na sabi namin ni Liam.

"Deritso na tayo sa bahay," aya ko sa kanila.

"Sure," tugon nila kasabay ng kanilang pagtango.

Pagdating sa bahay ay may mga bisita na kami. Puro relatives namin. Binabati naman ako ng mga nakakita sa akin. Nagtungo kaming magkakaibigan sa kwarto ko.

"Happy birthday, kuya!" bungad ng kambal kong kapatid.

"Ano ginagawa n'yo rito sa kwarto ko?"

"Hinintay ka po. Kasama mo pala mga friends mo. Hi kuya Liam," sabi ni Aidan.

"Walang hi sa akin?" tanong ni Hance.

"Wala!" sabi ni Aidan saka umirap. Lalake ba talaga 'to o ano?

Natatawa na lang ako. Kumuha na lang ako ng damit sa drawer ko.

"Hindi ka lang nabigyan ng ice cream, ganiyan ka na kay kuya Hance," Nadia said laughing.

"May ice cream naman na binili siguro si mama, kain ka na lang," sabi ko naman.

"Bro, nasaan pala mga damit namin na naiwan dito?" tanong ni Hance.

"Tinapon ko."

"Aray, pre," sabi ni Liam.

My Happiness Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon