Chapter 2

44.2K 1.1K 284
                                    

"Get out," he demanded.

"Ten thousand?"

"Get out of the car," mas may awtoridad niyang sabi.

"Five thousand," pilit kong muli.

"Three . . . Two . . ." He started counting while I remained seated at the back. "One—I'll call the police."

"Bueno, bueno." I chuckled. Binibiro ko lamang siya ay agad itong napikon. "Naiintindihan ko na, señor. No sharing of room, no deal. I will just sleep at your place tonight."

Sa salamin ng kaniyang kotse niya ako tinignan. Matalim ang mga iyon at nag-iimbestiga. Matamis ko siyang nginitian. Nilabas niya ang naipong hangin ng pagkayamot sa loob.

"Are you sure you're not up for a thousand?" huling hirit ko sa lalaki, dahilan ng mariin niyang pagpikit.

"Can't you just go home? Settle your problem with your family. Talk about it and resolve it if possible. You can't run forever."

"El es dificil de convencer," bulong ko. He is hard to convince.

Lumalim ang tingin niya sa akin sa salamin. Ngunit mukhang hindi naman siya marunong umintindi ng Espanyol. That's good. I can talk behind his back.

"Don't lie to me about your age. How old are you?"

"Maniniwala ka na ba kung sasagot ako, señor?"

"Tell me."

"I am twenty-eight. I'm not attending school and I don't have parents to talk to. Nagtatarabaho ako bilang katulong sa isang mayaman na pamilya. Ngunit dahil nasisante ako, wala na akong matitirahan ngayon."

This is fun. Para lamang akong karakter sa isang nobela. Isang karakter na nagsisinungaling at nagpapanggap para mahanap ang isang lugar na hindi maituro ng mapa.

"Are you sure you're twenty-eight?"

"Why are you so concerned about my age, señor?"

"Because there's no way I would bring a minor to my place."

Isa iyon sa mga bagay na alam kong mali. At kung menor de edad ako, hindi ako sasama kung kani-kanino. I might be naive and clueless at times but I'm aware of what's wrong and what's right

"I'm twenty-eight."

Isinuot niya ang antipara at inabot ang maliit na kuwaderno sa harapan ng kotse niya. Magsusulat sana ito habang nagmamaneho nang may biglang tumawag sa kaniya.

He sighed before answering the call. "What?"

"What happened?"

Malakas ang boses ng kausap niya kaya hindi ko na kailangan pang makiusyoso. Kung makarinig ako ng sikreto ay hindi ko na iyon kasalanan.

"He was caught."

"That's good to hear. Thank you for doing me a favor, Hunt."

"This is the last time I will do your work, Tres. You know how I hate complicated cases. Kaya nga hindi ako nagtrabaho sa kahit anong agency o sa NBI."

"Come on, I just asked you once. You should take a break doing cheating cases. Crimes are thriller to investigate."

"Suits you. I have enough thrill in my life."

Hindi ko rin naman mahinuha kung tungkol saan ang kanilang pinag-uusapan kaya sa labas ko na lang itinuon ang atensiyon.

Ibinaba ko ang bintana ng kotse at dumungaw. My lips parted when I saw an arch, welcoming us to El Dorado. Kawangis ito ng siyudad sa Espanya.

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now