REGINA
"I am Regina Antalara Palaez, twenty-two."
Noong kolehiyo ako, sa tuwing magtsetsek ng attendance ang guro namin sa Matematika, kailangan naming magbanggit ng isang bagay na magpapakilala sa amin. Edad, pangarap, plano sa buhay, at kung ano-ano pa.
"Palaez?" Napukaw ng apelyido ko ang atensiyon ng guro sa harapan. Nakangiti siyang nagtaas ng kilay. "Are you related to Mayor Regino Palaez?"
Tumango ako. "He's my father, Sir."
Naghiwalay ang mga labi niya bago pumitik ang leeg. "No wonder you look very familiar."
Marami ang nagsasabi na kamukhang-kamukha ko raw si Papá. Siguro ay pampalubag-loob iyon dahil kahit kailan ay hindi ko naman nakilala ang ina. Kaya kung hindi si Papá, sino?
"Everyone, you're blessed to have a classmate like Ms. Palaez. Kung ano ang puno, ganoon ang bunga. Kung hindi niyo pa alam, isa si Mayor Palaez sa mga consistent sponsors natin dito."
"Iyang mga bagong upuan na ginagamit niyo ngayon ay nagmula sa kaniya. Kung bakit hindi kayo maiinitan ay dahil maisip ng mayor na magbigay ng mga bentilador na iyan."
Nagtinginan sa akin ang mga kaklase, nakangiti at namamangha.
"No doubt why people trust Mayor Palaez. Ilang dekada na siya sa serbisyo ngunit hindi pa rin siya napabababa sa puwesto."
"Ganoon po talaga, Sir. Kapag mabuti ka sa mga tao, mabuti rin sila sa iyo."
"Isa nga po ang kapatid ko sa mga naging iskolar nila. Nakatapos na po si Ate."
Nagsunod-sunod na silang magkuwento kung paano natulungan ni Papá ang kanilang pamilya. My father was my pride and in return, I kept my image clean to protect his name that he worked hard for.
"Itataya ko ang lisensiya ko na kung gaano kabait ang Mayor ay ganoon din ang kaniyang unica hija. Hindi ba, Ms. Regina?"
Nahihiya akong ngumiti. "I hope to have even half of his kindness, Sir."
"Thank you, Ms. Palaez. You can have your sit."
I bowed to my classmates to express my gratitude but before I could sit, one man came late.
"Mr. Suarez, right?"
Ganoon katunog ang pamilya nila na hindi na niya kailangan magpakilala. Kilala na siya ng mga propesor at ng mga kaeskuwela namin, higit ako.
"I'm sorry to come late, Sir. My father—"
"Your father talked to me beforehand. He said that you would be late today. Take your sit."
Tumango ang lalaki. Dahil ako lamang ang nakatayo noon, sinulyapan niya ako. Marahil inakala ko noon na nabighani siya sa akin dahil ang tagal niyang nakatingin sa gawi ko ngunit . . . iyon ay dahil magkatabi ang upuan namin sa likuran.
Palaez. Suarez. Wala kaming kaklase na may apelyidong nagsisimula sa letrang kyu at ar.
"Oh, maalala ko. Hindi ba't magkaibigan sina Mayor Palaez at Mr. Suarez?"
Nagkatinginan kami ng lalaki, nagtantiyahan kung sino ang sasagot sa tanong ng propesor.
"Yes, Sir. Mayor Palaez is a good friend of my father."
Ipinaubaya ko na sa kaniya ang pagsagot at tumango na lamang bilang pagsang-ayon.
"That means you know each other, perhaps you're friends?"
"No, Sir," mabilis siyang sumagot. "Ms. Palaez and I aren't like our parents."
I was disheartened to hear the truth. Maybe because he didn't use honey-coated words.
YOU ARE READING
Been Hunting Home | Suarez III
Romance[SLOW EDIT] Soliesse Adelina is a sophisticated woman from a private family of de Andrades. For the last five years, she was caged at their mansion which most may call a dream-perhaps a home. She knew she was missing a lot about life and she wanted...