Chapter 18

42.9K 1.6K 634
                                    

"Where are you going?"

Maaga akong gumising upang makabawi sa mga araw na naunahan ako ni Señor. Ngunit nasa hagdanan pa lamang ako ay natanaw ko na siyang nag-aayos sa sala.

"We are going to the beach." Inihahanda niya na ang itim niyang sisidlan, kung saan niya nilalagay ang kamera, kuwaderno, panulat, at iba pa.

"W-We?" Kasama ako?

He stopped what he was doing to look at me. "Ayaw mo ba?"

Tila yata isa siyang batang nagtatampo sa tono ng kaniyang boses. Nagulat lang ako na hindi ko na kailangan tanungin kung maaari akong sumama. Sino ba ang aayaw sa dagat? Ako pa na hindi pa nakapunta ni minsan doon?

Ngunit kung pupunta kami ng dagat, ibig sabihin ay kailangan ko ng mga pandagat kasuotan. I only have long dresses.

"The thing is . . . I don't have clothes for the beach."

"Just wear anything you're comfortable with." He shrugged.

"Like thick dresses and boots?"

Sandali siyang nanahimik upang mag-isip pagkatapos ay muling bumaling sa akin. "We'll drop by Blanche's boutique."

Ngumiti ako. Kung ganoon ay wala na akong problema. "I'll get ready then."

"Don't bring too much clothes. Uuwi rin tayo bukas. Besides, we'll get you clothes from Blanche."

I nodded before rushing back to my room. Sabay lang naman kaming natulog kagabi ngunit bakit nauna siyang nagising? Ako lamang ba ang hindi pinatulog ng naging pag-uusap namin?

Narinig ko ang pagdating ni abuela at ang pagtanong niya sa lalaki kung saan kami pupunta. Hindi ko rin alam kung ano ang gagawin namin sa dagat. But knowing him, I know it has something to do with work.

Sinuot ko ang pinakamaikli kong bestida. Pula ito at umaabot hanggang sa ibaba ng mga tuhod. Pinarisan ko iyon ng nag-iisang pares ng mga sandalyas kong puti.

Ang lalaki, hindi katulad ng inaasahan ko ay puting polo ang suot. Ngayon ko lang rin siya nakitang magsuot ng shorts at sandalyas.

"Are you good?" he asked.

"I'm excited to see the sea."

He grinned. "Let's go."

"Abuela, we're leaving! Please take care of Khali, we'll take care of ourselves. Adios!" Sinigawan ko ang abuela na nasa hardin na naman.

Ang asul na kotse ang sasakyan namin. Ito ang pinka paboritoko sa mga kotse niya sapagkat ito ang may pinakamatingkad na kulay.

"Fasten your seatbelt, Solen."

"Aye, aye, Captain!" I chuckled.

Mabilis ang naging biyahe namin dahil malinis pa ang kalsada. Nakarating kami sa Blanche wala pang sampung minuto.

"Solen! You really came back!" Sinalubong ako ni Blanche ng isang mahigpit na yakap. "But what took you so long? It's been two months."

"I'm sorry. I became busy with work."

Natingin siya sa lalaki na nasa likuran ko. "You even came with this man who can't attend a single hangout."

Tumaas ang kilay ni Hunt. "I'm sorry. I became busy with work." Ginaya niya lamang ang sinabi ko.

Pinaningkitan siya ng mga mata ni Blanche. "But not too busy to . . ." She looked at me. " . . . escort Solen here."

"We're in a rush. Please get her some beach clothes," he said.

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now