Natigilan ang lahat nang tawagin ko ang señor na Papá. Sandali kong nakalimutan kung nasaan kami ngayon. Narito kami sa mansiyon ng mga Suarez—ng mga Suarez at hindi ng mga de Andrade.
Oo at ngayon ko pa lamang nakita ang señor sa personal ngunit hindi ako maaaring magkamali. Kamukhang-kamukha ng pumanaw kong Papá ang señor.
"A-Ano ang ginagawa mo rito?" And his reaction felt like a confirmation of what seemed impossible.
Halos habulin ko ang hininga sa tanong niya. Kasabay ng paglunok ko ay ang pagtingin sa mag-ina na tila napipi. Nakabibingi ang katahimikan sa silid ngunit nagkukumahog ang mga dibdib namin.
"K-Kayo ba si Solomon de Andrade?"
"Hindi, Solen. Siya si Martino Suarez," ani señora Regina sa nanginginig na boses.
"N-Ngunit kamukhang-kamukha niyo ang Papá ko. Bawat anggulo ng mukha niyo ay kakambal ng sa kaniya. Kilala niyo si Adelita Escalera, hindi ba? A-Ako ang anak niya . . . Ako si Adelina.
"Sinabi ng Mamá na pumanaw na kayo ngunit . . . hindi ako maaaring magkamali. Kawangis na kawangis niyo ang Papá."
Naging marahas din ang pagtaas ng mga balikat ng señor, hindi niya malaman ang salitang bibigkasin. Hindi niya mabatid kung kaninong mata ang tatagpuin.
"T-Tatawagan ko si Adelita," he said.
Kilala niya si Mamá. At isa lang ang ibig nitong sabihin. "Kung ganoon ay kayo nga si Solomon de Andrade?! Kayo ang Papá ko"
Walang mangyayari kung hindi lumapit ang lalaki sa akin. Hinawakan niya ako sa palapulsahan at nagsimula na akong hitakin. "Come with me, hija. Ipahahatid—"
"Sandali lamang, señor!" I yelled as I threw his hand away. "Ni hindi niyo pa sinasagot ang tanong ko. Gusto kong malaman kung kayo nga ang Papá ko at kung oo, ano ang pakay niyo rito?!" I looked around, gave a meaningful glance to Hunt and his mother. "Bakit kayo narito?! Sa m-mga . . . Sa mga S-Suarez?!"
"Hija . . ." Nagmukha siyang daga na nahuli sa pain at walang butas na malulusutan.
I shook my head at the thought of something worse. "That can't be."
Hindi niya pa rin ako sinagot kaya nilingon ko ang mag-inang napipi. Nasa likuran na ang tulala na si Hunt at si señora Regina na namumula ang mga mata. Paulit-ulit akong umiling sa naiisip.
"S-Señora, he's not your husband, right?" Tumawa ako ng peke. "This man right here is my lost father, he can't be your husband." Lumunok ang señora, hindi rin ako mabigyan ng sagot, kaya si Hunt ang sunod kong tinanong. "H-Hunt, he's not your father, right?"
Dinaanan ng luha niya ang nakaawang na labi. Mariin siyang nakatitig sa akin kung kaya't nadamay ako sa kaniya. From that second, it felt like everything stopped.
Marahas akong umiling. "No . . ." I snapped my neck back to the señor. Sinubukan niya muling hulihin ang palapulsuhan ko.
"Sumama ka na sa akin, hija. You have to leave." Ni walang bakas ng kaba o kagulumihanan sa boses niya ngunit mabigat ang pagtaas-baba ng mga balikat.
"Hindi ako lilisan rito hanggang hindi ko naririnig na biro lamang ang lahat ng ito. Kailangan ko ng ekspalanasyon, señor!"
"Hija, listen to me!–"
"Excuse me, señor Martino." May isang tauhan na dumating kung kaya't naputol ang sasabihin ng señor. "I'm sorry to interrupt but you, Sir, but you have an important call from Spain." Hawak ng lalaki ang telepono.
"Si Mamá ba iyon?!" segunda ko.
He looked at señora Regina and Hunt, instead of answering me. "That's a . . . Please tell the person to call me later."
YOU ARE READING
Been Hunting Home | Suarez III
Romance[SLOW EDIT] Soliesse Adelina is a sophisticated woman from a private family of de Andrades. For the last five years, she was caged at their mansion which most may call a dream-perhaps a home. She knew she was missing a lot about life and she wanted...