Chapter 8

36.9K 1.2K 489
                                    

A/N: Happy Tuesday! How are you? Maii hopes you're well. I am sure you're doing great. Even on busy days, I hope you find a way to appreciate your efforts. You're doing your best and that's enough. Here's a short update to alleviate your stress. <3

"Magandang araw, abuelo."

Inakala kong unang kostumer ko na ang dumating, si abuelo lang pala.

"Sa lahat ng tumao rito, ikaw ata ang pinakamaagang pumasok." Mahina siyang tumawa.

"I'm just excited, abuelo." Ito ata ang unang trabaho ko sa buong buhay ko.

"Ganiyan talaga kapag unang araw pa lang." Hindi ko mabatid kung nagbabanta ba siya. "Kaya namnamin mo ang saya na nararamdaman mo ngayon. Baka bukas ay nagrereklamo ka na sa akin." Humalakhak siya.

"Hindi iyon mangyayari, abuelo." Bukod sa mahal ko ang pagbabasa at mga libro, hindi naman nakapapagod ang trabaho ko. Mas nakakapagod pa ang biyahe papunta rito.

"Sabi mo 'yan. Tatandaan ko ang araw na 'to."

I nodded. "Bakit po pala kayo nadaan? Ang akala ko po ba ay tuwing hapon kayo pumupunta rito?"

"Gusto lang kitang makita. At isa pa, gusto kong ibigay sa 'yo 'to." Iniabot niya sa akin ang isang ginantsilyong kardigan. Kulay puti ito na may mga nagkalat na kalimbahin na bulaklak at berdeng dahon.

"Ang namayapa kong asawa ang may gawa niyan. Ang sabi niya, ibibigay niya 'yan sa unang kostumer na bibili ng libro sa ipatatayo naming aklatan. Ngunit bago pa matapos ang aklatan na ito, iniwan na niya ako." Malungkot siyang ngumiti.

"Hindi ko na matandaan ang unang kostumer kaya sabi ko, ibibigay ko na lamang sa magbabantay ng aklatan na 'to. Iyon nga lang, puro lalaki ang nauna sa iyo. Ikaw ang unang babae kaya sa iyo na 'yan."

I feel so honored. "Matagal na po ba ang aklatan niyo?"

"Tatlong dekada na rin, apo. Sa katunayan, sobrang liit na lang ng kinikita nito."

"Hindi niyo po ba naisipan na ipasara na lang?"

Umiling ang matanda. "Ito ang ala-ala ni Esperanza, kaya hanggang sa lagutan ako ng hininga, hindi ko ito isasara. Wala akong pakialam sa salaping pumapasok at lumalabas."

Iyon pala ang dahilan kung bakit Esperanza ang pangalan ng aklatan. Pangalan iyon ng namayapang asawa ni abuelo.

"Babantayan ko po nang mabuti ang pangarap ni abuela Esperanza."

Lumawak ang ngiti niya. "Salamat—sandali nga, hindi ko pa pala alam ang ngalan mo."

"Solen po," natatawa kong bigkas.

"Solen." Tumango-tango siya. "Ikaw na ang bahala rito. Hindi mo naman kailangan galingan sa unang araw mo sa trabaho. Huwag ka lang magpapasalisi sa mga kawatan ng libro."

I nodded. I actually never thought of thieves and other misfortunes that might happen here. Ang salapi lang ng Pilipinas ang inaral ko magdamag.

Umalis na si abuelo na nakatira lang pala malapit rito. Naiwan akong mag-isa sa counter. May mga libro rin sa aking likuran. May kabinet ang lamesa at napupuno ng listahan ang ibabaw. Sa ibaba ay may isang basahan kung saan natutulog si Khali.

Katabi lang ng babasagin na pintuan ang puwesto ko kaya makikita kaagad ang papasok na kostumer. Isa pa, kita ko mula sa bintana sa aking gilid ang pagdaan ng mga sasakyan at tao. The walls of the exterior of the bookstore are filled with green vines. May mga bulaklak rin ngunit bilang sa daliri.

"Mukhang uulan na naman." Minsan pa lang ata sumikat ang araw simula nang mapunta ako rito. Noong araw na nakilala ko si abuelo.

Habang naghihintay ay inusisa ko ang telepono na ipinahiram ng Señor.

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now