Chapter 12

42.9K 1.4K 450
                                    

"Abuelo!"

Malayo pa lang ay kinawayan ko na ang matanda. Tangan na nanan niya ang regadera at nagdidilig ng mga halaman sa labas ng aklatan.

Napangisi ako nang hindi siya lumingon. Matanda na ang abuelo, mahina na ang pandinig.

"Magandang umaga, abuelo."

Ang nakatalikod na lalaki ay nagtatakang humarap. Umusbong lang ang ngiti sa kaniyang mukha nang makilala ako.

"Solen, napadalaw ka?"

I chuckled and handed him the apple pie I baked with abuela. I'm pretty skillful when it comes to baking but I learned that the captain isn't fond of sweets. Kaya si abuelo na lang ang ginawan ko ng pie.

"Aba naman." Sinilip niya ang loob ng papel na bag. "Nag-abala ka pa."

"Ang totoo niyan, abuelo. Nagtungo ako rito para humingi ng pasensiya. Paumanhin sa biglaan kong paglisan sa trabaho. Ang sabi ko'y magtatagal ako, ngunit isang linggo pa lang ay iniwan ko na kayo." I took his hands and caressed them as I talked.

Tinapik niya ang kamay ko. "Ano ka ba, Solen. Ayos lang sa akin. Sa katunayan, biyaya sa iba ang pag-alis mo. Dahil nabakante ang trabaho rito, may isang nangangailangan na natulungan."

"Nakahanap na po kayo ng kapalit ko?"

Tumango siya. "Mayroon ka ng kapalit bago ka pa umalis."

Ganoon ba? Masiyado pala akong nag-alala. "Sino po?"

"Good morning, Sir."

Napukaw ng nagsalita mula sa likuran namin ang atensiyon ko. Pagkaharap ko'y bumati sa akin ang mukha ng kilalang babae.

"Ikaw?" I smiled.

"H-Hi."

Siya iyong babae na nawalan ng tirahan dahil kinailangan kong kuhanin ang kaniyang silid. Iyong babae na binigyan ko ng payong.

"Oh, magkakilala kayo?" si abuelo.

Hindi kami makasagot. Ni hindi nga namin alam ang pangalan ng isa't isa. Ngunit minsan, alam kong nagkaintindihan ang mga puso namin kaya hindi na siya estranghero sa akin.

"Solen, ito si Yla. Siya ang bagong klerk dito. Siya ang pumalit sa iyo." Lumipat si abuelo sa tabi ni Yla, tangan ang kaniyang braso. "Yla, siya si Solen. Isang linggong naging klerk dito bago ka dumating."

"Hi . . . Solen." Inilahad niya ang kamay sa akin.

"Masaya akong makita kang muli, Yla." I took her hand and shook it.

Look how playful life is. She lost a place so I would have a place to stay at. I quit this job so she would have it.

Matagal kaming nagkatitigan ni Yla. Bumalik ako sa huwisyo nang mapansin ang pagdating ni abuela. Bumili pa kasi siya ng maiinom sa katabing tindahan.

"Abuelo, kasama ko po pala ngayon ang aking abuela." Itinuro ko si abuela na naglalakad papalapit sa amin.

"Magandang umaga," bati ni abuela sa dalawa. Bumati naman sila pabalik.

"Kayo pala ang Lola ng magandang dalaga," ani abuelo.

"Kayo pala ang mabait na may-ari ng aklatan. Salamat at pinayagan niyo si Solen umalis kahit isang linggo pa lang siya rito."

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now