Chapter 30

37.9K 1K 377
                                    

"Mukhang malayo ang pinanggalingan mo, señorita." Inilabas ni Malda ang abaniko niya at sinimulan akong paypayan.

Pagkatapos makita ang mga nakalutang na yelo, nagwala ang sistema ko. My fingers tugged on my skirt but I didn't let them notice how I was troubled.

"Where are you staying right now, Adelina?" Dinungaw ako ni Secretary Williams.

Ngayon ko lamang napagtanto na ang lamesang inuupuan namin ay ang pinakadulo. Malapit ito sa labasan sa bandang likuran, kung saan hindi na gaano abot ng liwanag mula sa malaking chandelier banda roon. They chose a dim area where they think is the safest place to do their plan.

Ngumiti ako sa gitna ng takot—takot dahil nakainom ako ng tubig na mayroong gamot. "Mayroon po akong tinutuluyan. Isa itong paupahan na kuwarto kung saan nagbabayad ako buwan-buwan."

Nagkatinginan sila. Binilisan pa ni Malda ang pagpapaypay sa akin.

"But how are you able to survive? I mean if you need to pay monthly, where are you getting money?"

"I work in a bookstore. I figured most things alone and I know better now. I learned a lot from my experiences and the people I met." Katulad na lamang kung paano malaman na binabalak akong patulugin ng isang tao.

"Nag-aalala na ang señora sa iyo. Ipinadala niya kami rito para matulungan sila sa paghahanap sa iyo."

At bakit naman sa lahat ng tao sa mundo ay sa kanila pa? Iyon ang bigo kong isipin bago pumunta rito. If my mother really want to find me, she will ask help from the police.

"Ganoon ba?" Nagpeke ako ng lungkot. "Iyon nga ang madalas kong isipin. Sigurado akong matindi ang pag-aalala niya. Ngunit may ipakikiusap sana ako sa inyo. Na kung maaari sana ay huwag—" Sinadya kong tabigin ang pastang may sarsa sa aking harapan. I made sure that it would fall on me.

"Señorita," bulalas ni Malda.

Napatayo kami pareho. Namantsahan ng sarsa ang bestida ko at kasama iyon sa plano. Mas malapit at malinis sana kung ang tubig ang tinabig ko ngunit hindi dapat mawalan ng ebidensiya.

"Pasensiya na. Naitapon ko ang pagkain na kinuha niyo. Papalitan—"

"Hindi na, Adelina. Maupo ka na, hija. Kumalma ka lamang," si Secretary Williams na iginigiya akong bumalik sa upuan.

"Sandali lamang po. Maglilinis lang ako sa palikuran. Bigyan niyo ako ng limang minuto kung maaari."

Nagkatinginan sila nago nakapagpasya ang lalaki. "Go ahead. Sasamahan ka ni Malda."

"Hindi na. Hindi na kailangan, señor. Alam ni Malda na hindi ko gustong inaasikaso ako sa paglilinis." I smiled. "Bibilisan ko ang pakilos dahil marami pa tayong pag-uusapan."

"Sí. Nosotras estaremos esperando." We'll be waiting. Bumakas na ang pagdadalawang-isip sa mukha niya.

Kalmado akong nagtungo sa palikuran kahit kanina pa gustong lumabas ng puso ko mula sa dibdib. I have to do something before the drug could work.

"Rohypnol has a rapid onset of action for about fifty to twenty minutes."  Tumatak sa akin ang sinabi ni Hunt noon.

Kaya bago lumipas ang kinse minutos, kinailangan kong makarating sa palikuran. I entered a cubicle and there, I called Hunt. It rang but no one answered so I called the police instead.

"Hello? El Dorado PNP on the line."

"I need your help, Sir." Huminga ako nang malalim.

"Yes, Ma'am. Ano po ang pangalan nila? Ayos lang po ba sila?"

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now