"Adelina." Hinawakan ako ni Yaya Clarida sa braso nang matulala. "Lumilipad na naman ang isip mo."
I got my senses back after getting lost in thoughts. "Naalala ko lamang ang sinabi ng señor sa basar noong isang araw. Tungkol sa mga Escalera at de Andrade."
"Naniniwala ka ba sa mga sinabi niya?"
Natitig ako kay Yaya Clarida. Isang tanong lang ay bumalik ako sa dagat ng mga posibilidad. Gaano nga ba kaposible ang mga sinabi ng misteryosomg tindero?
"Solomon de Andrade?" Tumaas ang boses ko. "Tama ba ang pagkakarinig ko, señor?"
"Maayos pa ang pandinig mo, señorita. Solomon nga."
Kung ganoon . . . totoo si Solomon de Andrade? Hindi ba iyon pangalan na gawa-gawa lamang nila Mamá upang hindi ko malaman ang tunay na pangalan ni Martino Suarez?
"A-Ano pa po ang nalalaman niyo kay Solomon de Andrade?"
"Wala gaano. Ang totoo niyan, hindi ako sigurado. Marami kasing mga de Andrades dito sa Espanya. Kaya ang sabi ko ay himala kung si Solomon de Andrade ang ama mo."
"H-Hindi po kayo sigurado sa pangalan ng unico hijo?"
He nodded. "Kung hindi iyon Solomon, maaaring Aabrahon, Emerson." He chuckled. "Pasensiya ka na, hija. Matagal-tagal na kasi 'yon at pumupurol na ang alaala ko. Bakit? Kilala mo ba siya?"
Umiling ako. "H-Hindi . . . Hindi po. Kuryoso lamang."
I looked at Yaya Clarida and smiled. "Nais ko sana na kalimutan na lamang. Ayaw kong bigyan ng problema ang sarili ko dahil alam kong guguluhin ako ng naiisip sa susunod na mga araw ngunit . . . Pakiramdam ko ay may dapat pa akong malaman, Yaya Clarida. Ayaw kong ipagsawalang bahala ang nararamdaman ko."
Tumango siya bilang pagsang-ayon. "Kung ano ang higit na magpapatahimik sa 'yo sa mas matagal na panahon, iyon ang gawin mo."
I looked at the albums she's holding. "Are those the photo albums I asked for?"
"Oo, ito na nga. Ano ba ang balak mo sa mga litrato mo?"
"May hahanapin lamang po ako."
"Tulad ng?"
"Hindi ko rin alam, Yaya Clarida. Magbabakasakali lamang ako na may mahanap."
She sighed. Lumapit siya sa kama ko para mailapag ang mga hawak.
"Gracias, Yaya Clarida."
"Basta huwag mo lamang kakalimutan ang usapan natin. Huwag mo hahayaang makita ng Mamá mo na tinitignan mo ang mga 'yan. Ipinatago niya na iyan sa akin noon pa." Hininaan niya ang boses niya matapos sumulyap sa pintuan na parang maririnig kami ni Mamá na nasa sala.
"Masusunod."
Naupo si Yaya Clarida sa kama ko. I opened the oldest photo album. All the pictures were taken when I was a newborn. I immediately noticed something.
"Nasaan po si Papá nang ipinanganak ako, Yaya Clarida?"
"Iyon ang hindi ko alam, Adelina. Hindi ba't nasabi na namin sa iyo na kinuha lamang kami ng iyong Mamá pagkasilang mo? Siguro nasa anim na buwan ka noon."
"Si Ramon ang maaari mong tanungin dahil nagtatrabaho na siya kay señora Adelita bago pa kami makuha. Baka sakaling may alam siya."
"I forgot." Masakit akong ngumiti. "Nakalimutan ko rin na may ibang asawa ang Papá. Paniguradong naroon siya at wala sa piling ni Mamá."
There were greys in her lips when she smiled.
"Noon pa man ay nagtataka na ako kung bakit wala silang litrato noong ikinasal sila." I smiled.
YOU ARE READING
Been Hunting Home | Suarez III
Romance[SLOW EDIT] Soliesse Adelina is a sophisticated woman from a private family of de Andrades. For the last five years, she was caged at their mansion which most may call a dream-perhaps a home. She knew she was missing a lot about life and she wanted...