"Ma'am, sigurado po kayo na ayaw niyo pumasok sa loob?"
Dalawang beses na nagtanong ang nars. Tinanguan ko ito sa unang pagkakataon.
"Dito na lamang muna ako."
Ako ang nagdala sa lalaki dito sa ospital. Kailangan kasi ay may maiiwan sa bahay kung kaya't hindi nakasama si abuela. Ibinilin niya naman kami sa drayber na kinuha.
"Sige po. Maiwan ko po muna kayo at titignan namin si Sir."
I nodded again. Ihinatid siya ng mga mata ko hanggang sa loob ng silid.
I sighed when I was left alone at the bench. Sa pribadong ospital kami inihatid ng drayber. Hindi na nakapagtataka na wala gaanong tao.
Ito ang unang beses na nakatapak ako sa isang ospital. Hindi pa naman kasi ako nagkasakit nang malala.
Napatayo ako ng lumabas ang doktor at nars mula sa silid. The doctor pierced her eyes on me.
"Are you the wife?" he asked.
Padre mio. Ano ba ang dapat kong isagot? Palalabasin ba ako kung sasagot ako ng hindi?
"Y-Yes," I answered to be safe.
"Misis, nahimatay si Mister—"
"Doc!"
Nahinto sa pagpapaliwanag ang doktor nang may biglang sumigaw. From a small distance, I saw a middle-aged woman in a rush.
"Mrs. Suarez." Nakilala siya ng doktor.
"Is my son here?"
"I didn't know he is your son. No wonder he looked familiar."
"How is he?"
Naestatwa na lang ako sa kanilang gilid nang mag-usap sila tungkol sa kalagayan ng lalaki.
Siya ba si señora Regina?
"He has a hypotension possibly due to lack of nutrients, rest, and sleep . . . Nagtataka nga ako dahil maganda naman ang pangangatawan niya. I would suggest that you let him take a break from work and develop a nutrition plan . . ."
Nakinig lang ako sa usapan ng dalawa. Hindi ko nagawang gumalaw sa takot na mabastos ko sila. I waited until the doctor is done talking with her.
"He can leave tonight once he wake up. Ngunit mas mabuti kung dito na muna siya magpalipas ng gabi."
"Thank you, Dr. Garcia," si señora.
Tumango ang doktor sa babae bago lumisan. Higit akong kinabahan nang maiwan kaming dalawa sa labas ng silid. She noticed me right away.
"Ikaw ba si Solen?" Hinarap niya ako.
I bowed my head a bit as I greeted her. "Sí, señora."
"Ikaw ang nagdala kay Hunt dito."
Tumango ako. "Paano niyo po nalaman ang pangalan ko?"
"Tinawagan ako ni abuela kaya nalaman ko na dinala sa ospital si Hunt. Kasama niya raw ang secretary niya at Solen ang pangalan."
Secretary? Abuela will put me on the edge.
"I see, señora. You must be so worried."
She sighed. "Yes. This is not the first it happened." Hinawakan niya ang braso ko. "Thank you, Solen."
"De nada, señora." You're welcome, señora.
I was surprised when she pulled me for a hug. She felt so kind and warm. Naisip ko tuloy kung bakit humihingi ng tawad si señor sa ina. May alitan ba sila?
YOU ARE READING
Been Hunting Home | Suarez III
Romantizm[SLOW EDIT] Soliesse Adelina is a sophisticated woman from a private family of de Andrades. For the last five years, she was caged at their mansion which most may call a dream-perhaps a home. She knew she was missing a lot about life and she wanted...