Chapter 7

40.7K 1.3K 893
                                    

"He doesn't believe in luck." Napangisi ako.

Instead of four, the clover has only three leaves. Sa librong nabasa tungkol sa tradisyon ng mga Irish. May kaniya-kaniyang sinisimbolo ang bawat dahon nito. He doesn't believe in luck so there's only three which means faith, hope, and love.

Dinama ko ang ihip ng hangin mula sa bintana ng dyip pati na rin ang buhok ng katabi kong babae. Hindi ko magawang magreklamo dahil baka ikagalit niya pa.

"Paraiso Street, baka may bababa riyan." Nagpaalala na ang drayber nang malapit na kami sa arko. Iyong arko na talaga ang naging palatandaan ko.

"Para!" I yelled after we passed by the vintage arc. Alam ko na magbayad ngayon, alam ko na rin kung paano bumaba nang tama. I'm learning a lot about this place each passing day.

"This is it, Adelina! You got to find a job. Marami ka pang babayaran sa lalaki at kailangan mo pang maghanap ng matitirhan."

My first week is almost over. Tatlong linggo na lang ang natitira sa akin. Huminga ako nang malalim bago sumigaw "¡Puedo hacer esto!" I can do this!

Nakabibingi ang katahimikan pagkatapos no'n. Nagtinginan sa akin ang mga tao sa paligid ngunit tanging mga kalapati lamang ang gumagawa ng tunog. They left the fountain in surprise when I yelled.

I fake a coughed and fixed my coat.

"Nakalimutan ko, wala ako sa nobela."

Tumakbo ako palayo sa mga nakarinig sa akin. Siguro ay iniisip nilang baliw ako.

Isang mahabang kalye pala talaga ang Paraiso. Totoong dikit-dikit ang maliliit na tindahan dito. Ngunit marami rin ang malalaki.

Books say, if you're going to dream, dream big. Kung kaya't pinili kong unahin puntahan ang isang malaking gusali.

Dolce Casa. Iyon ang pangalan ng kompanya.

Maraming tao na nakasuot ng pormal ang pumapasok kaya naisipan kong magtanong sa isa.

"Señorita, sa tingin mo ba ay tumatanggap pa ng empleyado ang kompanya?"

Nilunok niya muna ang iniinom bago ako sagutin. "Oo naman. Kaya nga sila nag-open ng application. Hindi ka ba nagpunta rito dahil do'n? Mag-a-apply nga rin kami, eh." Itinuro niya ang katabi na mukhang kaibigan niya.

Tila suwerte nga ang kuwintas na ibinigay ng lalaki. Hindi ko naman alam na may aplikasyon ng trabaho rito ngayon, ngunit tamang-tama ang dating ko.

"Salamat sa paglilinaw."

"Mag-a-apply ka rin ba? Tara na, sabay-sabay na tayo pumasok."

Umusbong ang tuwa sa mukha ko. "Maaari bang makisama ako sa inyo?"

"At bakit naman bawal?" halakhak ng isa. "Tara na sa loob."

Tunay nga na hinayaan nila akong sumama sa kanila. Malaki na kung titignan mula sa labas ang gusali ngunit mas maluwang pa pala ito sa loob. Sa unang palapag ay naroon ang tila museo ng mga parangal ng kompanya. Titignan ko dapat ang family tree ng mga may-ari ngunit pinapunta na kami sa itaas.

"Bakit kailangan pa natin maghintay rito?" tanong ko.

"First time mo ba mag-apply?" Halos sabay nilang tanong.

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now