Chapter 21

39.7K 1.4K 483
                                    

"Que hermoso día." What a lovely day.

Naghihikab at nag-iinat ng mga braso akong bumaba ng hagdanan. Iyon ay matapos tulugan ang tanong ni Hunt kagabi.

"Tulog pa ang abuela?" Nakapagtataka na tahimik ang bahay. Awtomatiko na madaratnan ko siya sa kusina tuwing gigising ngunit bakante ito ngayon.

Hindi kaya ay umalis siya at namelengke? Ngunit hindi araw ng pamamalengke niya ngayon.

Kuryoso akong nagtungo sa repridiyereytor upang uminom. Una kong nakita ang ilang pinta ng sorbetes na berde.

"You're awake?"

Naisara ko ang repridiyereytor nang dumating si Hunt mula sa labas. May hawak siyang malalaking supot sa sa tingin ko ay sorbetes din ang laman.

"Ano ang mga 'yan?"

"Ice creams."

"Oo nga at sorbetes, señor. Ngunit bakit napakarami?"

"Didn't you say you like matcha?"

"Sí. Ngunit—"

"Hunt, tulungan mo nga ako rito," si abuela na may bibit din na sorbetes.

Dios mio. Ilan ba ang binili niya?

He helped abuela carry the ice cream to the kitchen counter. Nang maipatong nila ang mga ito ay lumabas pa sila.

"Saan kayo paparoon, abuela?"

"Kukuhanin 'yung natitira."

Mayroon pa? Nasagot ang tanong ko nang pumasok silang may bitbit pa rin. Hindi na tumikhom ang mga labi kong naghiwalay.

"Hindi naman natin kailangan ng ganito karami na sorbetes, señor," ani ko.

"I bought just enough for you to eat when you want," ani lalaki. "So you won't need to runaway and ask someone else to buy one for you."

"Ay, nako. Gusto mo atang mag-alboroto ang tiyan ni Solen sa sobrang dami nito. Eh, hindi ka naman kumakain ng matamis."

"Tama si abuela. Paano ko ito uubusin?"

"You can give some to the kids outside. May pumupunta rito minsan."

Ipapagdarasal ko na sana ay dumalas ang pagdaan ng mga batang palaboy rito. Dahil kung hindi, maaring abutin kami ng taon para maubos ang mga pinamili niya.

"Are you ready?" Ako ang kausap ng lalaki.

"Kagigising ko pa lamang. Saan tayo pupunta?"

"I'll give you time to prepare. I'll get ready too." He smiled before turning his back.

Naestatwa ako. Is he really going on a date with me?

Nasa gitna na siya ng hagdanan nang may maalala kaya lumingon sa amin. "What color will you wear?"

Hindi ko naman naisip na totoo pala ang anyaya niya kagabi kaya hindi ko alam kung ano ang magandang isuot.

"Maybe the emerald green dress you bought me last time?"

He nodded. "Emerald green." He rushed to his room.

"Mukhang maghahanap ng berdeng damit ang apo ako," ani abuela sa tabi ko. "Magde-date kayo?"

"Iyon ang sabi niya, abuela."

"Nakagugulat. Himala ba ito?"

Iyon din ang tanong ko kanina. He won't be working today for a date—I mean for me. Inaasahan kong magigising ako sa isang panaginip ngunit narito na sa harapan ko ang lalaki.

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now