Chapter 28

40K 1K 252
                                    

Ten, nine, eight, seven, six . . .

Sinabayan ng pintig ng puso ko ang numero ng tagahudyat sa mga sasakyan. I heard those from him in the middle of the city. And all the buildings saw how my face soften but him.

Hindi ko alam kung bakit nang limang segundo na lamang ang natitira para tumawid ay pinili ko siyang iwanan sa kabila . . . kahit nais ko na siyang takbuhin at yakapin.

"Solen—"

He yelled the same time I finally crossed the street. Naputol ang sigaw niya ng isang mahabang busina ng sasakyan. Pumitik ang leeg ko sa likuran sa sobrang kaba.

"Hunt!"

Nakabagsak na siya sa kalsada, samantalang ang sasakyang bahagyang nakausad kumpara sa iba ay nakahinto na.

"Ano ba 'yan? Hindi ka ba marunong tumingin ng traffic lights?" Bumaba ang drayber na galit na galit.

I was relieved when I saw that Hunt is conscious. Nakaupo pa siya nang maayos sa kalsada at pinapagpag ang mga palad niya.

"Tangina! Muntik na 'yon, ah."

Hunt seemed not to care so when the driver aimed to grab him aggressively, I rushed to the scene.

"Señor!" Iniharang ko ang mga braso kay Hunt. Balak yata niya itong dakmain na parang basura at ihagis sa kabilang gilid. Iyon ang sinasabi ng galit sa mga mata niya. "Nasaktan na iyong tao. Sasaktan niyo pa?"

"At bakit? Kasalanan ko bang tatanga-tanga siya at bigla na lang siyang tatawid?"

"Kung may kaunti kayong malasakit ay tutulungan niyo siya sa halip na saktan."

"Pasensiya ka na, Miss, ha. Naperwisyo kasi ako, tapos hihingan mo ako ng malasakit?"

"Mahal ba iyon? Mahirap ba iyon ipakita sa kapwa, señor?"

"Solen." Hunt held my forearm. "Please don't argue with him. It was my fault."

Hindi ko pinansin ang sinabi ni Hunt. Alam kong mali ang ginawa niyang pagtawid ngunit nasaktan na siya ay nais pa siyang saktan ng drayber.

"Aba, Miss! Saan ako huhugot ng malasakit? Muntik na akong maging kriminal dahil diyan sa lalaki na 'yan. Hindi lang dapat mga drayber ang responsable sa kalsada, kayo rin. Walang gustong makulong dahil nakabangga o nakapatay. Naghahanap-buhay lang kami, Miss. Kaya ako galit. Kaya ako ganito."

I was taken aback by his explanation. Lalo pa nang magsimula na humingi ng tawad si Hunt.

"I'm sorry. Your frustrations are valid. I'm really sorry. Allow me to compensate." Gamit ang isang paa ay tumayo si Hunt. Idinamay niya ako sa pagtayo. Sa tingin ko ay masama ang pagkakabagsak ng kaliwa niyang hita dahil inaalalayan niya iyon.

"How can I compensate, Sir?"

"Hunt . . . anong konpesasyon ang sinasabi mo?"

He just glanced at me and asked the driver again. Unti-unting humupa ang galit ng lalaki. "Huwag na."

Napatingin ako sa kaniya.

"Mabuti pang tumawid na kayo kung tatawid kayo dahil nakasasagabal tayo rito. Sa susunod, matuto kayong tumingin sa ilaw para hindi kayo madisgrasya. Ang disgrasya niyo, disgrasya rin namin."

He sounds kind now that his voice is calm.

Hunt bowed. "I'm sorry, Sir. I'll be more careful next time."

I looked at him then to the driver. I feel guilty for yelling at him.

"Sige na. Tumawid na kayo."

"Lo siento, señor." Tinabihan ko si Hunt at walang pasabi'y ikinawit ko ang braso niya sa leeg ko. Hinawakan ko siya sa baywang at inakay patawid sa kabilang gilid. Iginiya ko siyang umupo sa pinakamalapit na mahabang upuan sa gilid.

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now