Chapter 20

41.9K 1.4K 800
                                    

Naghiwalay ang mga labi namin nang maging mahirap na ang paghinga. Mabagal niyang nilisan ang labi ko. At habang dahan-dahang naghihiwalay ang mga mukha namin ay nasilayan ko ang basa niyang labi. Ako ang may gawa no'n.

He gulped while my eyes rounded. Agad akong natauhan sa ginawa nang magtama ang mga mata namin. Nagpatalo ako sa bugso ng dibdib. Hindi ko naisip ang mga bagay-bagay. Tulad ng . . . Paano ko siya haharapin bukas pagkatapos ko siyang halikan?

"Estúpido corazón," I uttered. Stupid heart.

"U-Uh . . ." Gamit ang dulo ng mahabang mangas ay pinunasan ko ang labi niya. "P-Pasensiya, hindi ko sinasadya." Tinulungan na ng mga daliri ko ang tela sa pagtuyo ng labi niya.

"What are you doing, Solen?"

"I'm sorry—I'm sorry I kissed you." Lumunok ako at tumingin sa likuran. "M-Madulas ang sahig kung kaya't nasubsob ako sa iyo."

He arched a brow.

"Sí. G-Ganoon ang nangyari," paliwanag ko. Nasulyapan ko ang aso sa bukana ng pintuan kaya itinuro ko rin ito. "Si Khali kasi ay n-nagmamadaling lumabas at itinulak niya ako."

He bite his lips as if stopping a laugh.

"I didn't meant the kiss, Hunt." Marahas akong nag-iiling. "I didn't. B-Bye. G-Good night."

I rushed back inside my room. Ilang segundo lang ay napagtanto kong naiwan sa labas si Khali. Inawang ko nang kaunti ang pintuan at hinila ang buntot niya papasok sa kuwarto.

Nang makasandal ako sa likuran ng pintuan ay mariin akong napapikit habang hawak ang dibdib. Mabubutas na yata ang aking balat sa pagkabayolente nito.

"Debo haberme vuelto loca." Bahagya kong sinabunutan ang sarili. I must've gone crazy.

Ang tuta na nasa tabi ko na ay kakaiba ang tingin sa akin. Nagpeke ako ng ngiti. "Khali, patawarin mo ako. Kinailangan ko lang magsinungaling."

Umingit siya.

"Oo. Alam kong mabuti kang tuta at hindi mo ako itinulak." Bakit nga ba iyon ang sinabi ko? Kailan pa natutong manulak ang tuta?

"Solen."

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig siya. Nasa labas pa rin pala siya, ang akala ko'y lumisan na. Hindi ako sumagot, sa halip ay kinagat ang kuko.

"I'm sorry for responding. Nadulas din ang labi ko. Itinulak ako ng hangin sa 'yo."

Hinampas ko ang noo nang matunugan na pagkasarkastiko siya. Halata na kanina pa niya gustong matawa.

"Dios mio, Adelina. Ano bang palusot ang sinabi mo?"

It took me time to leave the door and buried myself in the bed. Gising pa ako nang may kumatok muli at sa takot na baka si Hunt iyon ay nagtulog-tulugan ako.

"Tignan mo itong bata na ito." Si abulea pala. "Natulog na agad. Ni hindi man lang bumaba at sumubo kahit kaunti."

Naramdaman ko ang pagtakip niya ng kumot sa katawan ko. "Nagkakabaliktad na sila ni Yohan. Hindi mo naman malaman kung bakit bagsak ang mga mata kanina. Kung masama ang naging trabaho nila ay bakit ngingiti-ngiti naman iyong isa?" She clicked her tongue. "Ay, nako, Solen."

May dalang pagkain si abuela ngunit dahil tulog na ako, binitbit niya rin sa kaniyang pag-alis. Nang makalabas siya ay saka ako umayos ng upo sa kama.

"Mukhang masarap ang adobo ni abuela, Khali. Nagugutom ako." Ngunit hindi, hindi ako bababa gayong baka magkita pa kami ng lalaki.

I whimpered. "Por que hice eso?" Bakit ko iyon ginawa?

Pinilit ko ang sariling matulog. Pahirapan man ay nakaidlip naman ako. Ipinikit ko ang mga matang may plano sa isip.

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now