Chapter 1

52.4K 1.2K 1.1K
                                    

"Mabuhay! El Dorado International Airport welcomes you to the city of ruins, El Dorado . . ."

Nakangiti lang ako habang pinakikinggan ang kung anong anunsiyo sa loob ng paliparan. Nakababa na kami ng eroplano kung kaya't hindi ko malaman ang unang tigtignan.

Para akong bilanggo na nakawala sa selda matapos ang limang taon na pagkakakulong. Lahat ay bago sa akin. Maraming tao, maingay ang lahat, at karamihan ay nag-uunahan sa pagkuha ng mga bagahe.

Sa kaliwa ko ay may magkasintahan na niyapos ng yakap ang isa't isa. Sa kanan naman ay ang inang kalong ang anak habang tumatangis.

The airport is full of stories you can tell at one glance.

"Kumusta?"

Bumalik ako sa huwisyo nang magsalita si Cora. My smile didn't fade when I answered her.

"I'm elated, Cora. Everything is scaring me in a good way." Mabilis akong nagsalita dahil sa pagkasabik.

"Kapag ang takot daw na nararamdaman mo ay iyong takot na masaya, hindi talaga siya takot, ngunit pagkasabik. You're excited, not scared." Ngumiti nang matamis ang babae.

"Tienes razón." You are right.

Inilahad niya ang braso sa akin, isa itong imbitasyon upang ipalupot ko ang kamay roon. Pinaunlakan ko ang nais niya at sabay kaming nagtungo sa mga bagahe.

Lahat ng tao na nadaranan namin ay pinasadahan ang kabuuan ko.

"May mali ba sa suot ko?" bulong ko sa katabi. "They are all looking at me like I committed a crime."

She chuckled and held my hands on her arm. "Masanay ka na, Adelina. Sa Pilipinas kasi, basta kakaiba ang hitsura mo, artista ka na."

"Kakaiba ang hitsura?" Pinagmasdan ko ang mga tao sa paligid. Ikinumpara ko ang mga katangian nila sa akin.

Itim ang buhok nila, ang ilan ay may kulay. Kayumanggi ang kulay ng balat ng karamihan. Ang iba'y mas maitim, ang iba'y mas maputi. Nakita ko agad ang pagkakaiba ko sa mga Pilipino na siyang tinutukoy ni Cora.

I have ginger hair. Umaalon iyon hanggang sa dulo ng aking likuran bago ang pigi. I got my amber eyes from my mother, pati ang hugis nito na madalas ikumpara sa almond. Sa tuwing hahalikan ng sinag ng araw ang aking mukha, nagkukulay kahel ang mga ito.

Mas maputi ang aking balat sa karamihan. Ang makapal ngunit bahagyang magulo kong kilay ay hindi gaanong naiiba sa kanila. Ganoon din ang mahaba kong mga pilikmata. Ang ilong ko naman ay mataas na may kaunting butones sa dulo. At ang kulay melokoton kong labi ay kahugis ng hindi perpektong puso.

"Tama ka nga. Naiintindihan ko na kung bakit panay ang tingin nila sa akin."

"Sa mata nila, dayuhan ka. Pero huwag kang mag-alala, hindi sila masama sa mga banyaga. Sa katunayan, mapagmahal ang mga Pilipino sa ibang lahi.

"Madalas, sila-sila ang magkaaway, nagpapatayan, naghihilahan. Wala na ring nasyonalismo. Mahal daw nila ang bayan, pero ni hindi marunong bumuo ng maayos na gobyerno."

"That was deep, Cora."

She shrugged. "Tara na, kuhanin na natin ang mga bagahe."

Tumango ako at sumunod sa kaniya. Nginingitian ko na lang ang bawat taong matitingin sa akin.

"Sa 'yo na ang maleta na 'yon, hindi ba?" Itinuro ni Cora ang puting maleta.

"Sí."

Pagkatapos namin makuha ang nga bagahe ay nagtungo kami sa palikuran. Naiihi raw si Cora kaya pinababantayan niya sa akin ang mga gamit namin.

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now