Chapter 44

42.5K 1.1K 269
                                    

"Hold me close and hold me fast. The magic spell you cast. This is La vie en rose . . ."

Hunt sang with the music box. Sumilip ang ngiti sa labi ko nang masulyapan ang lalaking nakahilig sa pintuan.

Kanina niya pa ako pinanonood ayusin ang mahabang buhok. Nauna kasi ang lalaki matapos gumayak para sa kaganapan ngayong gabi.

"When you kiss me, heaven sighs. And though I close my eyes. I see La vie en rose." His deep, cold voice complements the light, sweet lyrics of the song.

Natigil ako sa pagsusuklay ng buhok. "Alam mo pala ang kantang 'to?"

"I learned it from you. You sing it every morning when you water the roses."

"You were watching me water the roses?"

He chuckled as he walke closer to me. "You thought I was sleeping? The moment you leave our bed, I'm awake."

Sa salamin ko siya tinignan. Sinimulan niya akong tulungan suklayin ang buhok.

"You always sing them a good morning song. No wonder the roses bloom so good these past few months."

"I told you, talking to plants is therapeutic for both entities."

"So that's why you're blooming too?"

Nakatakas ang ngisi sa labi ko. Nag-iwas ako ng paningin sa lalaki at ipinagpatuloy ang paghahanda.

Kaming dalawa lang sa bahay ngayon, ilang buwan na matapos maging maayos ang lahat. Umuwi sina Mamá sa Espanya upang ayusin ang naiwan doon. Kailangan pa rin nilang patakbuhin ang kompanya upang makabayad kay señor Martino.

Sina Yaya Clarida naman ay pinagbakasyon na muna upang makasama nila ang pamilya. Si abuela, kasama si Khali ay inampon na ni abuelo. Ang ibig kong sabihin ay tunay nga na naging malapit silang magkaibigan. Ang nakatutuwa ay kapitbahay lang namin sila.

Madalas, tuwing umaga ay natatanaw ko sila sa harapan ng tarangkahan, nag-eehersisyo. Ipinapasyal nila ang aso sa parke at nagliliwaliw katulad ng mga bata.

Hiwa hiwalay man kami ngayon, magsasama-sama rin kami sa nalalapit na pag-iisang dibdib namin ni Hunt. Sa ngayon, may kaniya-kaniya kaming kailangan ayusin.

Tonight, I will join Hunt as he took over the Suarez Airlines. He will also introduce me as his fiancée to the whole clan. Iyon ang dahilan kung bakit matagal akong mag-ayos. Kinakabahan ako.

"I'm not a flower to bloom." I put the brush down the vanity.

"If flower is a person, you're a rose."

"Why?"

"I won't enjoy the comfort of any flower. I will bleed to feel your thorns and hold you close." Inayos niya ang buhok ko sa likuran. "Let me do your hair."

"Mi gentilhombre." I chuckled and let him do what he wants. My gentleman.

Sinuklay niya pang muli ang buhok ko bago itinirintas ang iba at pinagtagpo sa gitna. Nilagyan niya ng mga aksesorya ang paligid nito at pinasadahan ang hitsura nang matapos.

"You're done, señora."

Iyon na lang ang kailangan kong ayusin. Kaya nang matapos na siya, dinalaw ako ng kaaalis lang na kaba. Ang totoo niyan ay ayaw ko pa talagang umalis.

"I will just fix my dress." I stood and was about to leave when he belted my waist.

"Baby, you've been fixing your dress since the afternoon. Tell me what I can do to ease your heart." He reads me so well.

"Kinakabahan ako, Hunt. Natatakot ako na baka malaman ng pamilya mo ang tungkol sa amin at palayuin nila ako sa 'yo. Paano kung hindi sila sang-ayon sa atin?"

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now