Chapter 10

38.4K 1.4K 438
                                    

"Solen."

Nakayakap pa rin ako sa Señor, pinahuhupa ang takot sa gitna ng bagyo. Ayaw ko pang bumitaw . . . kahit pa lumisan na ang palad niya sa likuran ng aking ulo. Nasa pagitan namin ang tuta na kanina pa rin nanginginig kung kaya't isang braso ko lang ang nakapalupot sa katawan niya.

"Solen." Ikatlong banggit niya na iyon sa pangalan ko.

"Ilang segundo pa, señor."

"I'm getting wet," he said.

"And so am I." But I need more warmth.

Bumuntong-hininga siya. Kahit ang hininga niya ay mainit kawangis ng kaniyang katawan.

"A human body needs just at least twenty seconds of embrace to release oxytocin for one to feel warm and safe. Any embrace longer than that is an act of intimacy and love—"

Halos itulak ko siya makalayo lamang sa kaniyang katawan. Napakaasyumero naman ng lalaking ito. "Hindi ba maaaring nilalamig lamang nang husto ang tao?"

Ihinaba niya ang braso para isilong kami ni Khali sa hawak niyang payong kahit pa siya ang mabasa ng ulan. "We're in a hurry, Solen. Let's pack your things and leave this place."

Iginiya niya ako papasok sa loob ng silid. I saw his judging eyes when he probed the whole room. Bumabaha na sa loob kaya nakataas ang maleta ko. Mabuti na lamang at hindi ko pa inaalis ang mga gamit mula roon. Hindi na namin kinailangan magtagal.

"Why did you choose that place?" he asked.

Nasa loob na kami ng kotse niya. Sa harapan niya ako pinaupo dahil nasa upuan sa likuran ang iba kong mga gamit.

"Iyon na lang ang bakante, Señor."

"And you chose to settle?" He's taking off his leather jacket as he talked.

"Wala naman akong ibang magagawa."

"Of course you have. You still have one week to find a better place."

"Ngunit mas maaga akong makaalis ay mas matutuwa ka."

"Who said?" Lumakas ang boses niya. He realized it only after I became silent, then he repeat his question in a calmer voice. "Who said?"

"Your everyday remarks."

"Tss." Tuluyan na niyang nahubad ang diyaket. Hindi ko inaasahan ang biglaan niyang pagdungaw sa akin kaya naisandal ko ang likuran sa pahingahan ng upuan.

He wrapped his jacket around me and Khali. That was the second time I felt my heartbeats pounding violently. When he was zipping it, my eyes found their way to his lips.

Suddenly, he froze. He realized where I'm looking at. I saw him gulp. The next thing I knew, he was in a rush to sit back in the driver's seat.

Nagpeke ako ng ubo at tumingin sa labas ng bintana. "H-Hindi ba magagalit ang may-ari?" I asked to break the awkwardness.

He remained looking at the front. "I paid her the renting fee for the next two months, she won't be a problem."

"I-I see." Sinimulan kong hampasin ang dibdib ko sa pagbabakasakaling babagal ang pagpintig ng puso. Ngunit iba ang inakala ng señor.

"Are you okay?"

"U-Uh . . . Sí. We should go."

Tumulak na kami. Mabilis siyang nakabalik sa normal na pag-akto, ako ay nanatiling nahihiya dahil sa nangyari. Hindi ko rin alam kung bakit ko siya tinignan sa kaniyang labi. Kaya naman . . . panay ang pagtatanong ko ng kung ano-ano.

"Paano niyo nalaman kung saan ako matatagpuan?"

He's too focused on the road to look at me. "You left the phone in the sala. I saw your last activity."

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now