Chapter 35

35.5K 1K 342
                                    

The Lost Pappus

Dandelions are free.
They have always been pilots,
but were never captains.
The pappuses when they left their home,
go with the wind.

They drift from one place to another.
One will land on someone's hand,
one will fall on a sunflower's leaf,
one will never stop floating around,
one will reach a wisher's window,
and one will watch the sunrise from the ground.

But pappuses, like people,
have distinctive stories.
One unfortunate will drown in a river,
one will go through a storm,
one will get stepped on,
one will get lost in the stones,
and one will fall on a dirty damp, unnoticeable.

The thing about freedom,
is that . . . you can do everything,
but only fate can tell you
how much everything is.

Freedom is not always a privilege.
For some, it is a tragedy.

Tinapos ko ang inuukit habang inaalala ang tula na isinulat kagabi. Marami akong halaman sa hardin at sa silid. Ang mga puting rosas ang paborito ko ngunit higit akong namamangha sa mga dandelions.

Noon, parati kong hinihiling na sana ay isa na lang akong pappus. Gusto kong maging malaya at magpadala sa bugso ng hangin. I thought they were like angels who part ways to do their mission. I thought they were guardian angels on their ways to make people's wishes come true.

I overlooked how playful the wind can be. I didn't think of the unlucky pappuses who won't get to be someone's hope.

Ganoon din pala ang buhay. Malaya na ako. Alam ko ang mga bagay na gustong gawin, ang mga bagay na gustong paniwalaan, at ang mga lugar na gustong puntahan. Ngunit hindi ako ang kapitan na kumokontrol sa maaaring mangyari, sa hangin na tumatangay sa akin.

All of us can't be completely free . . . because there's fate . . . There's a limitation.

"Aba!"

Tumaas ang mga balikat ko sa gulat nang biglang marinig si Yaya Viranda.

"Tignan mo nga naman, may natapos ka na naman?" Nilapitan ni Yaya Rosanda ang inukit ko.

"Parang kailan lang noong nakatapos ka ng isa. Mas mabilis ka na ngayon, Adelina."

I smiled. I spent my whole year sculpting to keep my head occupied. Sa tuwing uukit ako, nalilimutan ko ang lahat.

"Marami akong oras at mas alam ko na sila gamitin nang epektibo, Yaya Clarida."

Tumayo sila sa harapan ng pigura, sinusuri ito. Naamoy ko na ang susunod nilang gagawin.

"My heart is thinking of you." Tumingin sa akin si Yaya Rosanda.

"My heart can't forget you." Sumunod si Yaya Clarida.

"You're in my heart and mind." Panghuli si Yaya Viranda.

Mahina akong natawa sa mga hula nila. Nakagawian  na namin na sa tuwing may matatapos akong obra, huhulaan nila ang pangalan na ibinigay ko rito.

"Wala sa nabanggit." Hinawakan ko ang pigura.

"Ano nga kung ganoon? May puso at may utak, tama yata ako," biro ni Yaya Viranda.

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now