Chapter 19

42.4K 1.3K 325
                                    

Beautiful memories make up with those that aren't.

But when we try to get rid of the past by dwelling in the present and looking forward the future, what do you call it?

Moving on . . . or running away?

I don't exactly know what we are doing. But I found a word that best describes it.

An escapade.

"Solen, in a count of three, we'll run," bilin ni Hunt.

"What—but why?"

"Just because we need to. In one, two, three. Run!"

Hindi pa ako nakapaghahanda ay hinitak na niya ako mula sa silong ng isang tindahan patungo sa bukas na kalsada.

Tumatawa naming tinungo ang isang gusali. Sa natitirang huling mga hakbang ay bumuhos ang ulan.

"Hunt, masisira ang kolorete natin sa mukha," ani ko.

"Let's run faster."

"Hindi pa ba ito mabilis sa 'yo?" Hindi makapaniwala ko siyang tinaasan ng kilay.

"Come on, Solen. This is walk."

"Good for you, señor. You have long legs."

He chuckled. Binitawan niya ako upang sandaling mauna. Huminto siya sa harapan ko at iginiya ang likuran niya.

"Ano ang gusto mong gawin ko?"

"Hop on my back."

"Can you carry me without dropping?"

"What do you take me for? Go on, we'll get wet."

Ilang segundo ko munang tinitigan ang likuran niya bago pumasan. I wrapped my arms around his neck tightly. Hinawakan niya ako sa likod ng aking mga tuhod.

"What a sluggish horse this is," biro ko.

"What a heavy puppy," ganti niya.

Narating namin ang silong ng isang gusali. Agad akong ibinaba ng lalaki sa gilid. Una kong nakita ang mukha niyang pininturahan upang magmukhang payaso.

"Dios mio . . . Nakatatakot na ang hitsura. Baka sa halip na matawa ang mga bata sa loob ay takbuhan tayo." I laughed.

Sarkastiko siyang tumawa para daluhan ako. "Ha. Ha. Ha. So funny, Rapunzel with her runny eyeliner."

Naglaho ang ngiti ko. "De ninguna manera." No way. "Is it bad?"

He shook his head. "You still look like a disney character."

He's still sweet.

"Mother Gothel, Rapunzel's kidnapper."

Sumama ang tingin ko sa ginoo. "Wala talagang panahon na hindi mo ako biniro."

"Who said it's a joke?"

"Señor."

"Hunt," he corrected.

"Whatever, Yohan Thaddeus." Iniwanan ko siya sa labas.

"Solen Suarez," he called but I continued walking.

Soliesse Adelina de Andrade Suarez. It sounds good.

We are wearing disguise costumes for another case. Isa itong kaso sa pagitan ng dalawang hiwalay na magulang. Nagkaroon ng kasunduan ang mag-asawa na pareho silang magsusustento at magpapalaki sa anak na lalaki, ngunit ilan buwan nang hindi nakikita ng ama ang anak. Pakiwari niya'y itinatago ito ng ina at sinusumbatan na layuan siya.

"Hola, niños. Hola, niñas."

I've never attended a kid's party. Mukhang masaya lalo at puro bata ang aming manonood.

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now