Chapter 43

42.3K 1.1K 195
                                    

I hated señor Martino when we first met. All I knew that time was he is my father who cheated. I was disgusted with him, thought it would be better if my real father is dead.

Sa mga kabanatang 'yon, hindi ko pa pala siya kilala. Marahil dahil hindi ko pa nalalaman ang kuwento niya, mabilis akong nanghusga. He's just like my father who only wanted the best for his child. And it was him as the father who wanted the best for me too.

I can't explain how it all happened fast. Sa tagal kong humihiling, ito na yata ang pinakamabilis na dumating. Iniatras ni señor Martino ang kaso ngunit desisyon pa rin ng hukom ang nasunod. Malaking bagay ang ginawa ng señor upang ma-dismiss ang kaso at makasama kong muli sina Mamá. Bukod doon, sila pa ang nagbayad ng mga kailangan para makalaya ang mga magulang ko.

"Thank you," si Mamá sa lalaking kasama ko sumundo sa kanila. "I hope to pay your kindness in the near future. Katulad ka rin ni Regina."

"You brought Solen in this world. I couldn't think of anything sweeter than that. Your daughter is everything to me."

"Gracias por cuidar de nuestra hija mientras estábamos fuera," si Papá na tinapik pa ang likuran ng lalaki. Thank you for taking care of our daughter while we were away. "I have so much to make it up with you. Give me time to pay you back."

"Ella me cuidó más, señor." She took care of me more. "Don't worry about paying me back."

"Ang Mamá at Papá mo, hijo. Saan naman sila maaaring puntahan upang makapagpasalamat?"

"My mother asked me to prepare for a simple dinner. She wants us to settle everything peacefully. It would be perfect to have you tonight in the house."

I smiled at my parents and nodded. "Magaling magluto si Hunt, Mamá. Mas magaling pa kay Malda. Kaya palagi akong busog ay dahil magaling siyang magluto."

"Kaya pala hindi mo na naisipan umuwi sa Espanya noon."

We shared chuckles. "I'm so happy, Mamá, Papá. Para akong nananginip ngayon. Pakiramdam ko'y kasisilang ko pa lamang."

"We'll love you better this time, Adelina."

"Huwag mo na akong tatawaging Kuya Ramon, ha?" si Papá. "I longed for this moment when you call me your father, Adelina."

I chuckled with tears. "Entiende, Papá." I neared him for a warm embrace.

I was the happiest person that time. For me, it was the day when everything started to fall on right places.

Noong gabi ay sa poolside kami nag-ayos. Panay ang kuwento ni abuela kung gaano kalungkot at katahimik ang bahay noon dahil sila lang ni Hunt. Ito raw ang unang beses na nagkaroon ulit ng ganito karaming tao rito. Maingay, puno ng kuwento at tawanan.

"Alam niyo ba. Noong bata 'yang si Hunt ay napakapilyo. Papatayan ako ng ilaw sa banyo tapos tatakbo." Nagtawanan kaming lahat, tila may sama ng loob pa rin si abuela sa apo.

"Hindi niyo gugustuhing malaman ang kapilyuhan ng mahinhin na señorita."

"Yaya Clarida," sita ko.

"Señora, siya ang nangingialam ng mga kolorete mo sa mukha. Maglagay ba naman para raw mapansin siya ng lalaking gusto niya." Itinuloy pa rin niya ang panlalaglag sa akin.

"Ang sabi ni Viranda ay daga ang may gawa," si Mamá.

"Malaki ang daga, señora."

We chuckled. Tinignan ako ni Hunt habang nagpupunas kami ng mga kubyertos. "Who's the guy?"

"Gusto niyong malaman kung sino ang gusto niya?" Naunahan na ako ni Yaya Rosanda. "Iyong guro niya sa Agham."

"Aba naman. Eh, baka kaedaran ko na 'yon ngayon."

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now