"I don't know."
I caressed Khali who's sleeping beside me. Nakauwi na kami ng bahay bago sumapit ang alas-dyis. Nagtungo na ang Señor sa kaniyang silid at hindi ako sigurado kung natutulog na siya ngunit ako ay hindi madapuan ng antok.
"Is he a bad person, Khali?"
I always want to know more about people. Madali naman matutunan ang ibang bagay. Natutunan ko sumakay ng taxi sa loob lang ng ilang araw.
Tunay nga na may mga tao sa bawat nobela na nabasa ko. Iba-iba ang karakter nila, ang katangian at pag-uugali. Kahit naman sa mansiyon namin, may iba't ibang klase ng tao. Ngunit sa walong bilyon na tao sa mundo, paano mo nga ba malalaman kung sino ang mabuti at sino ang hindi? Sino ang pagkakatiwalaan at sino ang iiwasan?
"Today's case left me confused, Khali."
Masaya naman ako na nahuli namin ang manlolokong lalaki. Ngunit nang malaman kong manloloko rin pala ang babae, hindi ako sigurado sa dapat na maramdaman.
"Isn't he unfair?" He helped the wife catch the innocent-not-so-innocent husband. He could've at least revealed that they are both cheaters so it would be fair, but he took a side.
I sighed. "But that's how lawyers work too."
They represent people in the court, they defend both the accused and the victim. They stand behind their clients and defend them because everyone has the right to it. So why am I troubled?
Bumuntong-hininga akong muli. Lumabas ako ng balkonahe upang magpahangin. Tanaw ang hardin mula rito at doon, nakita ko si Hunt na nakahiga sa damuhan. Mariin ang pagkakapikit ng kaniyang mga mata at mabilis ang paghinga.
May mga pagkakataon na hindi ko maintindihan ang kinikilos niya. Tulad na lamang noong nakita ko siyang lumuha sa katabing balkonahe noong maulan na gabi, noong managinip siya sa kaniyang opisina habang humihingi ng tawad sa ina, at ngayong nakahiga siya sa malamig na damuhan gayong hatinggabi na.
He seems to be a person with so many secrets—perhaps lies?
"What type of a person are you?" I heaved a deep breath. "Who are you?"
Should I still trust you? Should I still think and hope that you're a good one . . . out of eight billion that might be not?
"Ano? Kumusta naman ang tinrabaho niyo kagabi?"
Si abuela ang dinatnan ko sa kusina kinaumagahan. Sampung minuto na lamang bago mag-alas-siyete nang magising ako.
"It was successful, abuela." I think so. Nagawa naman namin ang gusto ng kliyente. I just don't feel too great and accomplished about it upon knowing the truth.
"Napakahusay niyo talagang mga bata kayo. Aba! Ni hindi niyo man lang nagawang magpaalam nang maayos. Alalang-alala na ako kung bakit anong oras na ay wala pa kayo." Pumamewang siya sa harapan ko. "Muntik ko na isipin na nagtanan kayo."
Mahina akong natawa sa kaniyang sinabi. "Iyan na ata ang pinakamalabong mangyari, abuela."
"Kaya nga natulog na lang ako," biro niya. "Huwag kang papayag na itatanan ka, ha," bilin niya. "Kahit sino pa 'yan. Dapat legal ka, dapat pakasalan ka."
"Sí, sí, mi abuela." I loomed closer to her face. Pinisil naman niya ang aking ilong.
"Pero alam mo, Solen. Sa tingin ko ay mas kampante ako kagabi dahil kasama ka ni Hunt. Maganda na may kasama siya sa tuwing magtatrabaho sa labas . . . Ano? Kumakain naman ba?"
Tamang-tama. Dahil hindi pa gising si Señor, magsusumbong ako kay abuela.
"Kung alam niyo lang, abuela. Ni ayaw niyang magpahinga kami. Gusto niya ay matapos namin ang kaso nang mas maaga, mabilis. Kahapon noong tanghalian, ako lang ang kumain at siya—"
YOU ARE READING
Been Hunting Home | Suarez III
Romance[SLOW EDIT] Soliesse Adelina is a sophisticated woman from a private family of de Andrades. For the last five years, she was caged at their mansion which most may call a dream-perhaps a home. She knew she was missing a lot about life and she wanted...