Chapter 3

44.9K 1.4K 330
                                    

"Tell me what you saw."

Nakaupo ako sa silyang iniharap niya sa kaniyang kama. Nakahalukipkip ang lalaking masama ang hitsura.

"Dios te salve, María. Llena eres de gracia, El Señor es contigo. Bendita tú eres—"

"Communicate with me," putol niya sa pagdarasal ko.

Ngayon ay kailangan ko na naman ulitin ang Aba Ginoong Maria.

" . . . Santa María, Madre de Dios, Ruega por nosotros pecadores, Ahora y en la hora de nuestra muerte—"

"Miss Solen."

Amen na lamang ang hindi ko nabibigkas ay nagsalita pa siya.

"I'm concentrating here, señor. Patapusin mo muna akong magdasal."

"Why are you praying?" he hissed.

"For my eyes have sinned."

Napairap ang ginoo sa sinambit ko. Ibinaba niya ang binti na kanina ay nakapatong sa kaniyang kanang tuhod. Sinimulan ko muling magdasal ng Aba Ginoong Maria.

"Don't act like you've seen my soul. I was wearing boxers."

"Prefiero ver tu alma." I did the sign of the cross. I rather see your soul.

"I know you saw nothing. Iyon ang sabihin mo sa akin para makatulog ako nang mahimbing."

"Desearía no haber visto nada." I sighed. I wish I saw nothing.

"Please talk to me in the same language I'm using."

"Si entiende lo que estaba diciendo, no tendré lugar para dormir en," mahina kong sambit. If you understand what I was saying, I won't have a place to sleep in.

Biyaya pala ang matuto ako ng wikang Espanyol. Mabuti na lamang at hindi marunong umintindi ang señor.

Mahangin itong huminga, mapuputol na ang litid ng kaniyang pasensiya.

"It's too big," he uttered.

"Realmente!" I agreed too fast. Napatayo pa ako mula sa aking silya.

"I'm talking about the sausage you brought here." Itinuro niya ang pagkain sa trey.

Nabawi ko ang dila na handa na sanang sumang-ayon muli. "I-Iyong pagkain nga ang tinutukoy ko, señor."

Hindi kumbinsido sa sinabi ko ay umiling ito. Tumayo siya para ibalik sa akin ang trey. Nag-iwan naman siya ng isang plato ng pagkain.

"Please take them back to the kitchen. I'm not as hungry as you think."

Ngunit si abuela ang naghanda ng mga 'yon. Isa pa, sa laki niyang tao ay kaunti pa ito.

"Thank you for bringing the food here. Please leave my room and proceed to the guest room. Sleep early so you can leave early tomorrow. Bukas sa umagahan ko, wala ka na dapat dito."

"¿Por qué tuvo que repetirlo? Lo dijo como tres veces hoy." Why did he have to repeat it? He said like three times today.

"May sinasabi ka ba, Miss Solen?"

Nagpeke ako ng ngiti at umiling. "Ipinagdarasal ko lang na magkaroon kayo ng maayos na tulog, señor. Pupunta na ako sa nasabing silid."

Bago pa pumundo ang kaniyang mukha ay lumisan na ako. Ngunit hindi pa ako nakabababa ng hagdanan ay naalaa ko ang bilin ni abuela.

Bumalik ako at hindi na kumatok pa sa pintuan. Kahuhubad lang ng lalaki sa kaniyang pang-itaas nang ito ay aking buksan.

"Solen!" He freaked out.

Been Hunting Home | Suarez IIIWhere stories live. Discover now