"DAD, WHAT IS THIS?" tanong ni Samantha sa kanyang ama habang nag-aalmusal. Pagka-gising niya ay nakatanggap siya ng isang mensahe galing kay Rebecca na hindi na ito ang magiging bodyguard niya.
"What?" balik tanong ng kanyang ama, tiningnan siya nito na nagtataka sa kung ano ang tinatanong niya.
"You fired Rebecca? Why?" galit na taong niya.
"So? She's not doing her job well, she deserved it" muli itong humarap sa lamesa para ipagpatuloy ang pagkain.
"What do you mean? Ang tagal ko na siyang bodyguard ha?" patabog siyang umupo sa kanang bahagi ng kanyang ama.
"Yeah, matagal na siya kaya nga nakampante na ako sa kanya na akala ko okay siyang magtrabaho" sagot ng kanyang ama na hindi man tumingin sa kanya.
"Dad, what do you mean?" may pagtatakang tanong niya.
Tumingin sa kanya ang kanyang ama. "Alam kong sinusuhulan mo si Rebecca para makaalis kayo ni Pierre ng hindi siya kasama" sabi nito.
Nagulat man siya sa sinabi ng kanyang ama, agad naman siyang nakabawi para hindi siya mahalata nito. "So what Dad? Boyfriend ko naman si Pierre e" pagda-dahilan niya.
"I know hija, pero sa nangyayari ngayon, you are not allowed to go outside without your bodyguard, hindi ba yan ang napag-usapan natin?" binitawan ng ama ang kubyertos na hawak nito at sumandal sa upuan nito para mas maayos siyang makausap nito.
"But Dad, it's Pierre. Hindi naman niya hahayaan na may mangyari sa akin e, or you just don't trust me?" sagot niya sa kanyang ama na may pagtaas ng kilay.
Bumuntong-hininga muna ang ama niya bago sumagot. "I trust you Samantha, but I don't trust Pierre" sagot nito.
Napasimangot siya sa sinabi ng kanyang ama. "Until now Dad hindi pa din okay sa inyo si Pierre? Ang tagal na naming magka-relasyon, halos lahat ginawa na ni Pierre para lang patunayan niya ang sarili niya sayo" pagtatanggol niya sa kanyang kasintahan.
"I just don't feel him Samantha" maikling sagot ng kanyang ama.
"I don't get you Dad" mula sa pagkakaupo ay tumayo siya at patabog na tumalikod sa kanyang ama para iwan ito.
"You will meet your new bodyguard, he will be there soon"
Napatigil siya sa paglalakad dahil sa sinabi ng ama niya, lumingon muli siya dito. "He? You mean lalaki ang bago kong bodyguard?" tanong niya sa kanyang ama.
"Yes hija" maikling sagot nito at nagpatuloy muli sa pagkain.
"Dad, hindi mo man lang inisip si Pierre!" pagmamaktol na sagot niya.
Nilingon siya ng kanyang ama bago sumagot. "If he really loves you, he will understand" sagot nito.
Ngumisi lang siya na may halong irap sa kanyang ama. "Whatever Dad" umalis siya sa harap ng nito na nagdadabog.
Dumeretso siya sa kanyang silid at patabog na isinara ang pintuan, binato niya ang kanyang selpon sa higaan. Bumuntong hininga muna siya bago umupo sa kanyang higaan at kinuha ang larawan ng kanyang ina na nakapatong sa isang side table ng kanyang higaan.
"Nanay, sana nandito ka para may kakampi ako. Mula ng mawala ka, lagi na lang masungit si Daddy sa akin" niyakap niya ang larawan ng kanyang ina.
Namatay sa isang aksidente ang ina ni Samantha, pitong taon na ang nakakalipas. Kasama siya sa aksidente pero nakaligtas siya ngunit ang kanyang ina ay dead on arrival. Halos isang buwan siyang walang malay pagkatapos ng aksidente dahil napuruhan din siya sa pagsabog ng sasakyan.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...