"SAM, NASA LABAS na tayo"
Kung pwede lang patigilin ni Alex ang oras para mas matagal silang magkadikit ni Samantha ay gagawin niya, kung kaya lang na kahit pabagalin ang oras ay gagawin niya, pero wala siyang kapangyarihan para gawin iyon. Ayaw man niyang paalisin si Samantha sa pagkakasiksik nito sa kanya ay wala siyang magawa.
Unti unti niyang naramdaman ang pagkalas nito sa kanya hanggang sa makahiwalay na ito ng tuluyan sa kanya.
"Are you okay Samantha?" tanong ni Mike na agad lumapit sa kanila.
Naiinis siya sa ginagawa nitong pagpapapansin kay Samantha, kilala niya ang kanyang kaibigan, hindi ito titigil hanggat hindi ito mapalapit kay Samantha, pero hindi niya hahayaan na maiwan sa kanyang kaibigan si Samantha mag isa.
"Yes, okay na ako, ayoko ng bumalik diyan" sagot ni Samantha kay Mike. Napapansin pa din niya ang panginginig nito.
"Hey Alex, come here na" yaya sa kanya ni Amanda.
Habang bumibili siya ng pagkain kanina ay nagulat na lang siya nang biglang dumating si Amanda at yumakap pa sa kanya. Sinabi nito na kasama nito ang dalawa at itnuro ang direksyon ng mga ito. Laking gulat niya na kasama na ng mga ito si Samantha. Nakita niya ang tingin ni Mike dito at halatang may interesado ito kay Samantha. Nainis pa siya nang makita ang pakikipagkamayan nito kay Samantha. Gusto na niyang puntahan ang mga ito pero hindi niya magawa dahil nagpapahintay din si Samantha.
Narinig niya ang tanong ni Mike kay Samantha nang makalapit na sila na kinaiinis niya.
may boyfriend ka na ba Samantha?
Kaya bigla na lang siyang sumabat sa usapan ng mga ito. Naramdaman pa niya ang pang aasar ni Samantha nang tawagin siya nitong KUYA. Alam niyang kailagan niyang magpaliwanag dito dahil may ibig sabihin ang bawat tingin nito sa kanya.
Gusto niyang itago si Samantha hindi lang kay Mike kundi pati kay Morgan na gusto pang kuning modelo para sa negosyo nito. Ayaw niyang masyadong malantad sa tao ang dalaga, nakakatawa man pero ayaw niyang may ibang nakakapansin sa ganda nito.
Nakaramdam siya hiya nang mapagusapan nila kung paano unang nagkita si Amanda at Samantha, at ang kwento ni Morgan kung ilang beses na silang nahuli ng mga ito lalo na sa silid. Alam niyang wala naman siyang dapat ipaliwanag dito pero ayaw niya ng malaman nito ang mga pinaggagawa niya, pero ano ba ang ipapaliwanag niya kung totoo naman iyon lahat.
So, gaano kayo katagal mag-stay dito Alex?
Naka depende kay Samantha kung gaano sila katagal na mananatili dito dahil kung siya lang ang tatanungin ay gusto niya na itong ibalik sa mansyon para hindi na makalapit si Mike pero hindi siya ang magdedesisyon. Nang sinabi nito na mukang masarap manatili ay hindi niya napigilan ang pagtangis ng kanyang panga dahil alam niyang inaasar siya nito dahil ngumisi ito sa kanya.
Nakita niya ang pagtitig nito kay Amanda habang kumakain na tila kinikilatis ito. Napansin niya sa reaksyon nito ang paghanga sa ganda ni Amanda, pero para sa kanya ay mas maganda pa ito kesa kay Amanda.
Nang magkayayaang mag ride ay wala na siyang nagawa nang unahan siya ni Mike na nagprisintang sasama kay Samantha buti na lang yung pangalawang ikot ay naprotektahan niya sa takot si Samantha.
"Hey Alex, are you okay? Kanina ka pa parang wala sa sarili" nagulat siya nang magsalita si Amanda, hindi niya napansin na kanina pa pala siya nag iisip at nakalimutan na niya na nasa galaan pala sila.
"Sorry may iniisip lang ako" sagot niya dito, nagpalinga linga siya sa paligid dahil hindi niya makita si Samantha. "Where is Sam?" kunot noong tanong niya.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanfictionMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...