KINABUASAN AY MAAGANG nagising si Samantha dahil naramdaman niya ang sakit ng kanyang ulo. Hindi na niya maaalala kung anong oras sila umuwi ni Alex dahil nakarami na siya ng inom. Ayaw man niyang bumangon ay pinilit pa din niya ang sarili dahil naghahanap ng mainit na maiinom ang kanyang tiyan. Hindi na nagdadala ng gatas si Loisa dahil sinabihan na niya ito na wag ng magdala. Dumeretso siya sa banyo para maligo para kahit papaano ay mawala ang hilo niya.
Pagkatapos maligo ay bumaba na siya at dumeretso sa Dinning Area. Tulad ng naabutan niya sa tuwing maaga siyang nakakababa ay ang kanyang ama na nagbabasa ng magazine habang nagkakape. Nag aayos na din ng lamesa sila Agnes para sa agahan.
"Good morning Dad" bati niya sa kanyang ama.
"Good morning hija!" sagot nito na hindi tumitingin sa kanya.
Sanay naman na siya na hindi tumitingin ang kanyang ama sa kanya sa tuwing binabati siya nito sa umaga, bihira lang siya nito tingnan.
"Good morning Ma'am Samantha, gawan ko na po kayo ng coffee?" bati sa kanya ni Loisa na kasalukuyang tumutulong sa pagaayos ng lamesa.
Tumango lang siya bilang sagot sa tanong nito.
"Samantha, what is happening to you?" nagulat siya sa tanong ng kanyang ama, nilapag na nito ang magazine sa lamesa at humigop ng kape.
"What do you mean?" nakakunot noong tanong niya.
"Ilang araw ka ng gabi kung umuwi at lagi ka na lang lasing" sabi nito na nakatingin na sa kanya.
"Dad, please not now..."
Pinutol nito ang kanyang sasabihin. "Not now again? So kailan kita makakausap ng maayos Samantha? What's happening to you?" muling tanong nito.
"Dad, may hangover ako at wala ako sa mood para ipaliwanag ang nangyayari sa akin" pabalang niyang sagot dahil sa inis na nararamdaman niya.
"Exactly, lagi kang may hang-over, kaya hindi tayo makapag-usap ng maayos"
"So kasalanan ko kung bakit hindi tayo nakakapagusap ng maayos, everytime na mag-re-reach out ako sayo, you're avoiding me, pero okay lang? Pero kapag ako ang iiwas magagalit ka?" pinipigilan niya ang kanyang sarili, hangga't maari ay iniiwasan niyang tumaas ang boses niya.
Isa isang nagdadatingan ang mga kasama nila, si Mang Benny, si Andres, at si Agnes, nakita niya ang pag-aalinlangan sa mga mukha ng mga ito kung mananatili ba o aalis para makapagusap silang mag-ama.
"That's why I am asking you right now Samantha" sabi ng kanyang ama.
Ngumisi siya dahil sa sinabi nito "Why now? Dahil lagi akong lasing? Para lahat ng sasabihin mo ako ang may kasalanan kasi ako ang laging lasing? Dad, stop acting like you care" tumayo siya at tumalikod para umalis, nakita pa niya si Alex na papunta na din sa Dinning Area.
Nagulat siya nang biglang may humawak sa kanyang kanang braso at hinila siya paharap, bigla na lang niyang naramdaman ang isang malakas ng sampal.
"Loisa!" narinig niya ang pagsigaw ni Alex at naramadaman niya na nasa likod niya na ito.
"What the hell Samantha!!" sigaw ni Loisa. "Napaka selfish mo, hindi mo na inisip si Don Tonny dahil sa pagiging makasarili mo"
Naramdaman niya ang sakit sa pisngi niya. "Wh..at..are you saying?" nauutal na tanong niya hindi pa din siya makapaniwala sa pagsamapal nito.
"Alam mo ba ang ginagawa ni Don Tonny para sayo?" tanong nito.
"Loisa, stop it" awat ng kanyang ama.
BINABASA MO ANG
Bodyguard (Ang Alaala)
FanficMula nang mamatay ang ina ni Samantha ay hindi na sila nagkasundo ng kanyang ama, pakiramdam niya ay meron itong tinatago sa kanya. Hanggang sa makita niya na lang ang mga Death Threat na natatanggap ng kanyang ama at ang pagtatago nito sa kanya. Pa...